WALA mang bonggang celebration, naging makabuluhan at makasaysayan naman ang kaarawan ng actress-TV host na si Angel Locsin nitong nagdaang Sabado, April 23.
Todo pasalamat si Angel para sa isang hindi niya malilimutang birthday na siguradong nakatatak na sa kanyang puso’t isipan na dadalhin niya habang siya’y nabubuhay.
Nag-post ang aktres sa Instagram ng mga litrato na kuha nu’ng mismong birthday niya sa ginanap na campaign rally sa Pasay City ng tambalang Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, na tumatakbong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa darating na May 9 elections.
Sabi ni Angel sa caption, “Big thanks to everyone who took the time to greet me.
“I’ve been busy yesterday so ngayon lang talaga ako nakaka-reply — or to even have a birthday picture to post. But I have these beautiful pictures taken by friends,” mensahe pa ng misis ni Neil Arce sa kanyang Instagram post kahapon.
Bukod dito, pinasalamatan din niya si Vice Ganda sa pagsampa sa kampanya nina VP Leni at Kiko para manindigan sa mga kandidatong kanyang sinusuportahan.
“I cried sa ganda ng performance na ibinigay ni Vice Ganda w/ the LGBT community. Thank you Atz @praybeytbenjamin sa pagtindig,” mensahe ni Angel kay Vice.
Sa huling bahagi ng kanyang IG post, nagbigay naman siya ng message kay VP Leni na kasabay din niyang nagdiwang ng kaarawan last Saturday.
“Maraming salamat po for a very memorable day. Happy birthday po @bise_leni! Isang karangalan po na maging kaparehas ko po ng kaarawan ang isang mabuting taong katulad ninyo,” sey ni Angel.
* * *
Kasama namang tumindig ng Makatizens for Leni-Kiko si dating Makati District 1 Congresman at ngayo’y kumakandidatong senador na si Monsour del Rosario.
Sa Makatindig Grand Assembly Walk nitong umaga rin ng Sabado, April 23, nakiisa ang aktor-politician sa mga Kakampinks na naglakad mula Ayala Triangle Gardens hanggang Osmena Highway, bago tumulak sa caravan papuntang Macapagal Boulevard sa Pasay City, kung saan ginanap ang kanilang grand rally.
“Nakakataba ng puso na makitang nagkakaisa ng mga tao para sa isang layunin na mapabuti at mapaganda ang ating bansa. Tingin ko hindi lang basta pagkakataon itong pagkakasama ko sa 1Sambayan.
“Nakatadhana ito dahil ang layunin ko sa aking pagtakbo bilang senador at ang layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem ay iisa. Pare-pareho ang hangarin namin na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang gobyernong tapat sa paninilbilhan sa tao,” ani Monsour.
Bahagi talaga ng Partido Reporma ang aktor, ngunit kamakailan ay napabilang na rin siya 1Sambayan senatorial slate na kadikit ng Leni-Kiko tandem.
“Gusto kong ipaalala sa ating mga kakabayan kung gaano kahalaga ang pagboto sa mga senador na buo ang suporta sa pinipili nilang presidente at bise presidente.
“Pagdating ng panahon, kaming mga senador ang magiging kaagapay ng presidente sa pagpatupad ng mga batas na kakailanganin natin para mapaunlad ang bansa at maiangat ang buhay ng lahat ng Pilipino.
“Kaya hinihikayat ko ang ating mga kababayan na pumili ng mga senador na tunay na kaalyado ng presidente,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/311589/neil-kay-angel-sa-dami-ng-ginagawa-mo-actress-volunteer-businesswoman-pinakamagaling-ka-pa-rin-sa-pagiging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/309465/angel-muling-pinatunayan-na-love-na-love-talaga-si-kris-personal-na-tsinek-ang-kundisyon-ng-bff
https://bandera.inquirer.net/310517/monsour-ipaglalaban-ang-monthly-pension-ng-atletang-pinoy-mga-batang-gifted