Zanjoe, Kylie wala nang ilangan nang gawin ang sex scene sa Sagada: Pareho kaming game!

Zanjoe Marudo at Kylie Padilla

PASIMPLE naming tinanong si Direk Richard Somes kung first time niyang gumawa ng romance o love story pagkaupo niya sa stage sa  presscon ng pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal”.

Naganap ito sa Le Reve Pool and Events Venue sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City nitong nagdaang Biyernes.

“Oo, eh, actually matagal ko nang dream gumawa ng ganitong klaseng movie, kaso napupunta lagi sa akin action at horror,” napangiting sabi ng direktor ng “Ikaw Lang Ang Mahal” na pinagbibidahan nina Kylie Verzosa, Cara Gonzales at Zanjoe Marudo.

Dagdag pa ng direktor, “Working for every project has always been an adventure and a journey for me and when Viva gave me this opportunity to work with a love story which I really dream to do and gave me some brilliant actors in the Philippines now, with Zanjoe and Kylie, it’s really an experience working with them.”

Napanood namin ang trailer ng pelikula at napapalatak kami dahil nga love story at may chemistry din sina Zanjoe at Kylie. Nakadagdag ganda pa ang Sagada kung saan sila nag-shooting.

Speechless din kami sa drone shot ni direk Richard sa love scene ng dalawang bida sa pelikula na parehong hubo’t hubad.

Sa ginanap na face to face mediacon ay inamin nina Kylie at Zanjoe na hindi na nila inisip na naiilang sila sa isa’t isa nang gawin nila ang mga love scene kasi nga gusto na nilang matapos agad dahil sa sobrang lamig ng lugar na umabot sa 12 degrees lalo’t nasa tuktok pa sila ng bundok.

“We were excited sa scene na ‘yun kahit nakagawa na kami ng ibang lovescene. Exciting kasi hindi kami natulog, nagpahinga lang kami nu’ng night tapos umakyat kami ng bundok para sa scene na ‘yun para pag sunrise nandoon na kaming lahat ready na kami kasi hindi puwedeng magdala ng sasakyan, so, nag-hike kami ng three hours.

“’Yung journey na pumunta at gawin ‘yung scene na ‘yun ang mas tumatak sa akin tapos ‘yung panahon kailangang makisama.  Kaya hindi na pumasok sa isip ko na magkailangan pa at nakakatuwa lang na parehas kaming game ni Kylie na gawin ‘yung scene,” paliwanag ng aktor.


Sabi naman ni Kylie, “Sobrang ginaw sa Sagada, 12 yung temperature at naka-heat patch kami ng spongebob na nakatago lang. Masaya na kinakabahan na maganda ang experience dahil we have to hike ng 1 a.m., pumunta kami sa Sea of Clouds at nakarating kami ng 2 a.m. tapos nag-set up.  Kailangan naming hintayin ‘yung araw.

“Yung eksena dapat sunset pero kinunan namin ng sunrise, so, pagputok ng 5 a.m. shoot na kami kaagad marami kaming sinyut na scenes, tuluy-tuloy ‘yun, so, wala na kaming time na i-absorb ang lahat ng (malisya). Tuluy-tuloy na para lang makuha ‘yung shot na ‘yun,” dagdag ng aktres.

Nabanggit din ni Zanjoe na nu’ng nalaman niyang si direk Richard ang direktor at makakasama niya si Kylie at sa Sagada pa ang location ay hindi na siya nagdalawang-isip pa, umoo na kaagad siya sa project.

“Sarap kasi na ang kaeksena mo (si Kylie) hindi na ako yumuyuko, kasi pantay na kami. Ha-hahaha!” natawang sabi ng aktor.

Nakakatuwa dahil nakarinig kami na dahil sa eksenang iyon sa “Ikaw Lang Ang Mahal” ay marami na rin ang gustong pumunta roon at mag-loving-loving.

Mapapanood na ang pelikula sa Vivamax sa May 20 handog ng Viva Films.

https://bandera.inquirer.net/303303/zanjoe-apektado-sa-bugbugan-scene-nila-ni-jodi-nanginginig-ako-medyo-traumatic-yung-nangyari
https://bandera.inquirer.net/287950/jessy-pag-may-anak-na-gusto-ko-ako-yung-magluluto-ako-yung-magdadala-at-susundo-sa-kanila-sa-school

https://bandera.inquirer.net/309409/aga-nag-explain-sa-pagsusuot-ng-pula-pagdating-sa-mga-gulu-gulo-ayaw-ko-talagang-sumali

 

Read more...