Lyca Gairanod iyak nang iyak nang makita ang ama sa ospital: Gising ka na diyan magkakantahan pa tayo, pagaling ka na papa…

Naiyak si Lyca Gairanod nang makita ang amang nakaratay sa ospital

Lyca Gairanod

IYAK nang iyak ang The Voice Kids Philippines season 1 winner na si Lyca Gairanod nang bisitahin sa ospital ang kanyang amang may sakit.

Hindi napigilan ng Kapamilya young singer ang maging emosyonal sa muli nilang pagkikita ng tatay niyang nakaratay sa ospital.

Ayon sa dalaga, nindi raw kasi siya sanay na makitang ganoon ang sitwasyon ng amang tinawag niyang isang “strong man.”

Sa video na ibinahagi ni Lyca sa kanyang Facebook account, makikita ang ama ng singer na nakahiga sa hospital bed. At dito nga mapapanood ang pag-iyak ni Lyca habang kumakaway mula sa salamin ng kwarto ng tatay niya.

“Love you papa. Pagaling ka,” ang caption ni Lyca sa kanyang video.


Pagpapatuloy pa niya, “Hindi kami sanay na nakikita namin si papa na ganyan siya. He’s very strong din parang ano siya hindi kami sanay na ganyan siya.

“Kasi siya ‘yung si ‘gulo’ sa amin. ‘Yung paggising sa umaga wala nang nanggugulo sa ’yo. Siya ‘yun lagi. Ganu’n si papa, ‘yung ugali ko, ugali ko rin,” aniya pa.

“Gising ka na diyan magkakantahan pa tayo. Pagaling ka na papa miss ka na namin,” ang sabi pa ni Lyca sa kanyang ama.

Bumuhos naman ang mga inspiring message at positibong komento sa FB page ni Lyca at halos lahat ay nangakong ipagdarasal nila ang mabilis na paggaling ng tatay niya.

“Hope everything goes well. Prayers for the complete healing and recovery of your Papa Lyca Gairanod may he restored his health soon. we ask this in Jesus’ name. Amen.”

“Praying for your healing. In the mighty name of Jesus. Amen. God bless.”

“Praying for your Papa’s fast recovery.”

“God is good all the time Goodluck and God bless God will guide and protect you always
Get well soon.”

“Sana ganyan din c mader noon when she’s in the hospital for 25 days she can see us through the window para nkahelp sa agarang pag galing nya but it’s too late na she’s already in heaven together with our almighty GOD & with our pader cesar pogi & with her 2 children.”

Yan ang ilan lamang sa mga mensaheng natanggap ni Lyca mula sa kanyang FB followers.

https://bandera.inquirer.net/298448/lyca-binansagang-meme-queen-mensahe-ni-karen-may-plano-ang-panginoon-para-sa-iyo-i-love-you

https://bandera.inquirer.net/298171/ohmygod-karen-lyca-nag-celebrate-ng-birthday-together
https://bandera.inquirer.net/290763/lyca-ibinenta-na-ang-napanalunang-bahay-sa-the-voice-kids-naiinggit-nga-ba-kay-darren

Read more...