Kyle Echarri sa relasyon ng The Gold Squad: Kahit ano’ng sabihin ng ibang tao basta okay kaming lahat, ‘yun ang mahalaga!

WALANG problema sa singer at young actor na si Kyle Echarri kung solo na siya ngayon matapos ngang buwagin ng ABS-CBN ang tambalan nila ni Francine Diaz.

Kuwento ng binata sa panayam ng BANDERA kamakailan, magpo-focus muna siya ngayong 2022 sa  pagiging solo artist ngayong wala na silang project ng kanyang screen partner.

Kasabay nito, pinabulaanan din ni Kyle na wasak na wasak na ang friendship ng malalapit niyang mga kaibigan na sina Francine, Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Pagbabahagi pa ni Kyle, maraming upcoming projects ang naka-line up sa kanya ngayong 2022 mula Dreamscape Entertainment as a solo artist.

“I have a very exciting project later on this year na may kasama akong tao na sobrang mahalaga sa akin basta ‘yun lang muna puwede ko sabihin. Can’t say it yet but, very soon malalaman niyo na rin,” pahayag ni Kyle nang makachikahan namin sa advance media screening ng iWant TFC series na “Misis Piggy” starring Sylvia Sanchez, her daughter Ria Atayde, Ricky Davao, Elijah Canlas and many others.

“Yes. I’m really focusing on myself right now. Whatever projects, my Dreamscape family, whatever they give me, all different kinds of roles. 

“And at least I am happy, I am doing what I’ve been trying to do for a while and just focusing on my own career and make myself happy,” sabi ng binata.

Hindi naman itinanggi ng binata ang balita na may fear factor din siyang nararamdaman ngayong solo artist na siya at wala nang permanenteng ka-loveteam.

“Well siyempre nakakatakot po kasi siyempre nasanay po ako na nasa iisang love team. 


“But I’d like to count my blessings and take it day by day and not to pressure myself on every project or in a love team and certain fame. 

“Because what a lot of people like to do is to compare themselves with whatever this person is doing. I’m really focused on trying to do my own path,” paliwanag ng aktor.

Alam naman ng lahat na nagkaroon ng issue sa pagitan ng mga kaibigan niya sa The Gold Squad na sina sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz na napanood noon sa hit Kapamilya series na “Kadenang Ginto.”

Paano nga ba nagre-react si Kyle sa mga issue patungkol sa mga kasamahan niya sa TGS, “Siyempre mahirap. Kahit paano maririnig at maririnig mo, e.

“But I am trying my best not to be part of it kahit na sinasali ako sa mga ganu’n. But like I said ang important, okay kaming apat more than anything at kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, basta okay kami sa isa’t isa ‘yun ang mahalaga,” mahabang pahayag ni Kyle.

Sa tanong kung okay pa ba ang samahan nila ninaAndrea, Seth, at Francine sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng tatlo niyang kaibigan, “Oo naman po. Okay naman po kaming apat.

“‘Yun nga, I actually said this in an interview before na kahit na magkagulo man kami sa internet, kahit na ano ang mga sinasabi ng mga tao, ang mahalaga sa aming apat ay okay kaming apat and ‘yun ang mahalaga sa amin apat,” pahayag pa ni Kyle Echarri.
https://bandera.inquirer.net/280249/kyle-echarri-inihanda-ng-pandemya-para-mas-maging-palaban-sa-buhay

https://bandera.inquirer.net/295436/ivana-game-pumasok-sa-pbb-lahat-gagawin-ko-as-a-housemate-ayaw-kong-may-special-treatment

https://bandera.inquirer.net/299135/chie-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-kyle-yung-sa-amin-kasi-its-a-special-bond

Read more...