Gerald Sibayan todo linis ng bahay para sa pagbabalik ni Ai Ai sa US: Sige Darl, para bunganga ng asawa mo… alam mo na!

Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas

PATOK na patok sa mga netizens ang nakakaaliw na pakikipagpalitan ng mensahe ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Ito’y may kinalaman sa nalalapit na pagbabalik ng Kapuso comedienne sa Amerika pagkatapos umuwi sa Pilipimas para sumabak sa lock-in taping ng bago niyang serye sa GMA, ang “Raising Mamay.”

Nag-message raw kasi si Gerald kay Ai Ai para lang sabihin na talagang kinarir niya ang paglilinis at pag-aayos sa tinitirhan nilang bahay sa Amerika.

Ayon kay Gerald, ayaw daw kasi niyang matalakan pagdating ng kanyang misis kaya ilang araw bago dumating si Ai Ai sa US ay todo na ang ginawa niyang general cleaning.

“Kakatapos ko lang linis bahay natin darling ko.Todo linis kasi si misis, dadating na hahaha,” ang bahagi ng mensahe ni Gerald kay Ai Ai.

“Hahahahaha! Sige para bunganga ng asawa mo alam mo na saan mapupunta,” hirit naman ni Ai Ai na nireplayan ni Gerald ng,  “Hahahahaha! M16 hahaha!”

Sey uli ni Ai Ai sa asawa, “Cute mo talaga darl…kilalang kilala mo na ugali ko haha…labyu talaga darl thank you sa linis.”

Samantala, magsisimula na ang bagong family drama na “Raising Mamay” bukas, April 25, 3:25 sa GMA Afternoon Prime. Makakasama ni Ai Ai dito ang Sparkle star na si Shayne Sava


* * *

Siguradong isa na namang riot at punumpuno ng katatawanan ang summer-themed special ng favorite late night habit n’yong “The Boobay and Tekla Show”.

Tutukan ang kaabang-abang na “Beach Hunk 2022” kung saan maglalaban-laban ang singing flight attendant na si Kenneth Khan, ang part-time model at aspiring K-Pop star na si Ajay Balmores, at ang volleyball player-turned-actor na si Anjo Pertierra.

Ang tatlong hunky candidates ay sasabak sa tatlong rounds: Casual Interview, Talent, at ang Question and Answer.

At siyempre, mayroon pa itong surprise twist! Ang magwawagi sa “Beach Hunk 2022” ay mapagdedesisyonan sa pamamagitan ng “Roleta ng Kapalaran.”

Ang tatanghaling winner ay makatatanggap ng beach package na naglalaman ng mga beach sandals, beach towel, beach hat, at beach chair.

Sino kaya sa kanilang tatlo ang mag-uuwi ng titulo? Tutukan ang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA 7.

Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Ai Ai super touched sa monthsary gift ni mister: Crayola akiz bakla! Pero na-surprise ako grabe!

Read more...