Kathryn napa-yes agad sa ‘2 Good 2 Be True’ nila ni Daniel dahil sa isang premyadong veteran actor

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

BUKOD sa magsisilbing comeback romcom series nila ni Daniel Padilla ang “2 Good 2 Be True” sa ABS-CBN, may isa pang bonggang dahilan kung bakit nag-yes siya agad sa nasabing proyekto.

May isa palang kilala at award-winning actor na nakasama sa cast members ng bago nilang project ni DJ ang matagal na niyang gustong makatrabaho and finally ay matutupad na rin ito.

“I got excited when they told us if ever tito Ronaldo Valdez would accept this project…kasi siya yung magiging yung lolo.

“Nu’ng sinabi yun sabi ko, ‘Oh my God I want to do this!’ Kasi it’s not just a love story yung 2 Good 2 Be True. Very relevant yung story. Maraming ma-ta-tackle na hindi natin alam nangyayari sa ibang tao,” simulang pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.

Patuloy pa ni Kath, “So nu’ng nalaman namin na in-accept na ni tito Ron parang sign na yun sa akin ng universe na I think I should do this. Kasi gusto namin ng rom-com, Ibinigay romcom.

“We wanted direk Mae (Cruz-Alviar), ibinigay si direk Mae, and then tito Ron nag-yes siya. So walang reason to say no to this.

“So when they told us about that sabi na namin this was the project for us and it’s really worth doing,” aniya pa patungkol sa pagtanggap at pagbibida nila ni Daniel sa “2 Good 2 Be True.”

Feeling thankful din ang young Box-Office Queen na muli nilang makakatrabaho si Direk Mae Cruz-Alviar na una nilang nakatrabaho sa mga ABS-CBN series na “Pangako Sa ‘Yo” at “La Luna Sangre”.

“We’re very lucky kasi pinagkatiwalaan kami nina direk Mae and then binigyan kami ng freedom to express kung ano talaga yung nararamdaman namin after reading the script, after pinitch pa lang yung kakapuntahan nung story.


“So after how many presentations, ito yung napili naming project kasi this is our first rom-com pa lang na TV series and I think pareho naming gusto na magpasaya ng tao, magpatawa para just to break sa lahat ng mangyayari ngayon. That’s why we picked this.

“And then when it comes to script, I think magandang teamwork kasi pag ganun na very honest and transparent kami kay direk and everyone kung ano yung na-fi-feel namin sa script.

“So, we’re very lucky na binigyan kami ng karapatan to say that and hindi lahat nabibigyan ng ganu’n.

“Masasabi talaga namin na so far sa lahat ng nakunan, sa lahat ng mga gagawin pa namin in the coming weeks, we’re very happy with what we did and walang script na puwede na. Lahat yun, gusto namin siya wholeheartedly,” pahayag pa ni Kath.

“So thanks to the whole production talaga and especially the writers kasi sila yung nagtiyaga na kahit ilang revisions. Iba yung alaga din nila. We’re very grateful,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Kathryn na na-challenge rin sila ni DJ kung paano ile-level up ang “kilig” scenes sa kanilang bagong romcom series.

“Actually yan yung sobrang challenging. Kasi siyempre, hindi ko sinasabi na nawawala yung kilig. Of course the love is there. It gets deeper.

“Nagma-mature. Pero iba siyempre yung kilig namin like nine years ago, ten years ago ni DJ. Iba yung nararamdaman namin ngayon so yan ang challenge every scene especially kay direk Mae, sa writer namin, ano pa yung hindi namin nagawa na kilig na puwede naming ma-offer dito. So it’s really challenging.

“Kasi siyempre as a person and real life couple, nag-iiba lahat but hindi ibig sabihin nun nababawasan na yung love. It’s just that ang hirap ihiwalay nung personal kapag nakikita mo sa characters namin onscreen.

“So yan parati ang challenge every time gumagawa kami ng project. So siguro diyan pumapasok si direk Mae (laughs). Siya talaga yung nahihirapan na kung paano siya baliin.

“And kami din ni DJ yun yung pinaka challenging sa lahat, kung anong bagong ma-o-offer. So hopefully, nabigyan naman ng bagong flavor dito since iba naman yung dynamics din ng characters namin ni DJ and yan naman yung goal every project to make it different,” aniya pa.

Samantala, nahingan din si Kathryn sa nasabing interview kung ano ang maipapayo niya sa karakter niya sa serye bilang si Ali na lumaking may issue pagdating sa usaping love nang dahil sa kanyang mga magulang.

Sagot ni Kath, “I’d advise her not to be scared, to trust people, and to give chance. Kasi yung character ni Ally, she’s very protective, guarded siyang klase ng babae, and with her experiences with her mom may tendency talaga na may trust issues siya especially sa guys.

“And then maybe kung kausap ko siya sasabihin ko na just give chance kasi hindi naman lahat ng tao masama. There’s still goodness in this world. Meron pa ring mabubuting tao and you just have to give that chance. I would tell her that,” paliwanag pa ni Kathryn.

https://bandera.inquirer.net/311240/loyal-kathniel-fans-na-may-mga-trabaho-at-anak-na-nag-sorry-kina-kathryn-at-daniel-bakit-kaya

https://bandera.inquirer.net/294015/pasabog-na-sorpresa-nina-daniel-at-kathryn-tuloy-na-oh-my-god-heto-na-talaga

https://bandera.inquirer.net/306855/darryl-yap-binanatan-ang-high-heels-paandar-ni-vp-leni-poor-planning-wrong-decision

Read more...