Birthday wish ni Kim: Maging matibay pa more para hindi ako basta matumba, tatayo at tatayo pa rin

Xian Lim at Kim Chiu

BUKOD sa good health ng madlang pipol, may ilan pang hiling ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu para sa kanyang 32nd birthday this year.

Una na nga riyan ang makabalik sa pag-arte, “Na-miss ko ang umarte. Gusto ko talaga hopefully soon, this year or next year, bumalik ako sa pag-arte kasi ‘yun talaga ang first love ko.”

“Of course, I am thankful na nabigyan ako ng opportunity na mag-host sa ‘It’s Showtime’ and masaya talaga ako roon.

“Nakahanap ako ng bagong pamilya kaya sobrang thankful ako na kahit anuman ang nangyari sa ABS-CBN ay nabibigyan pa rin ako ng projects na ipinagkakatiwala ng ABS-CBN sa akin,” pahayag ni Kim sa Inside News ng Star Magic last Thursday, April 21.

Ang huling teleseryeng ginawa ng girlfriend ni Xian Lim sa ABS-CBN ay ang “Love Thy Woman” noong 2020.

Bukod dito, wish din ni Kim na maging mas strong sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay at mabigyan na uli ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Sana mas maging matibay pa ako more, kasi ang daming nangyayari. Ang daming mga bumabatong mga kung ano-ano. So kung anuman ‘yung mga bato na ‘yon, I think mas matibay na ako.

“And then wish ko na mas matibay pa more kung anuman ‘yung mangyari, para hindi ako basta na lang matumba; tatayo at tatayo pa rin.

“Tapos sana bumalik na yung franchise natin and hopefully magkaroon na ng trabaho ang maraming taong na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. ‘Yun talaga ang wish ko,” ang pahayag pa ng dalaga.


Patungkol naman sa ibinigay na surprise birthday party sa kanya ng mga kapamilya at kaibigan mula sa ABS-CBN, hinding-hindi raw niya ito makakalimutan habang nabubuhay siya.

Naroon ang mga bossing niya sa ABS-CBN na sina Lauren Dyogi at Cory Vidanes, pati ang mga kasamahan niya sa “It’s Showtime” kabilang na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ion Perez, Teddy Corpuz at Ogie Alcasid with his wife Regine Velasquez.

“Sobrang surprise. Magbabayad daw kami ng monthly dues, kailangan daw ng credit card. Parang ako inisip ko ‘bakit naman gabi magbabayad?’ So inisip ko lang, ‘okay sige tara para matapos na.’

“Tapos nakakita ako ng food carts sa labas, ‘yun nga nagulat ako. Tapos hindi ako prepared with my look, outfit lahat na.

“Lahat ng mga boss ng ABS-CBN, hindi naman lahat, people close to my heart talagang hindi ko ini-expect na darating sila for my birthday surprise,” natatawang kuwento ni Kim sa nasabing panayam.
Sey pa ng dalaga, hindi talaga niya natunugan na may surprise party para sa kanya. Masaya na raw siya na makasama ang pamilya sa kanyang kaarawan.

“Nirerespeto naman ng mga kapatid ko kung ano ang gusto ko. Sabi ko ngayon tayo lang since bagong dating ‘yung kapatid ko from Canada.

“Tapos ‘yung kuya ko naman from Cebu na nagwo-work bumiyahe rito for ilang hours tapos babalik din sa Cebu. Parang sabi ko tayo lang. Tapos nakita ko ang dami pa lang tao. Nagulat ako, hindi ko in-expect na-shock ako talaga at napakasaya ako,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/293556/wish-ni-lolit-kay-mark-sanay-magseryoso-na-sa-buhay-ngayong-kasal-na

https://bandera.inquirer.net/281257/wish-ni-alice-natupad-makalipas-ang-10-taon-may-baby-na

https://bandera.inquirer.net/284370/sharon-naturukan-na-ng-covid-19-vaccine-sa-us-i-just-wish-my-kids-could-get-it-too-soon-2

 

Read more...