ANG kanyang amang si Wendell Ramos ang talagang nakaimpluwensiya sa bagong Kapuso teen star na si Tanya Ramos.
Isa si Tanya sa 17 promising new artists na maswerteng nakasama sa Sparkada na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center recently. Kaya naman siguradong proud na proud sa kanya ang amang dating matinee idol.
Game na game na sumabak si Tanya at ang iba pang members ng Sparkada sa kauna-unahan nilang presscon last April 19, kasama ang star maker na si Johnny “Mr. M” Manahan na isa sa mga TV executives na pumili sa mga bagets.
“I can say po na my dad influenced me talaga to enter showbiz pero ang sinabi niya po sa akin is nasa sa akin po ‘yung desisyon. Pero kinuha ko po ‘yung opportunity na ‘yon,” pahayag ni Tanya.
Kung may isang advice raw ang daddy Wendell niya na talagang nagmarka sa kanya ay ang maging seryoso sa trabaho, laging isipin ang pagiging disiplinado at maging humble.
“Ang advice niya po sa akin lagi is that always take my work seriously if I want my career to last. So hanggang ngayon, ‘yun po ‘yung pumapasok sa isip ko wherever I go, especially when he’s not around,” sey ng dalaga.
Aside from Tanya, kabilang din sa Sparkada ang isa pang anak ni Wendell na si Saviour Ramos. Wala siya sa presscon ng Sparkada dahil nasa lock-in taping daw ito para sa upcoming mini-series ng GMA na “Raya Sirena” na pagbibidahan ni Sofia Pablo.
Samantala, pinayuhan din ni Wendell ang “Widows’ Web” actor at Sparkda member na si Anjay Anson na aniya’y malapit din sa kanilang pamilya.
“Ang pinaka-inspirational na sinabi sa akin ni Mr. Wendell Ramos, actually family friend din namin siya, always be humble and always put your feet on the ground. Kahit gaano ka pa sumikat dapat palagi kang humble,” sabi ng binata.
* * *
In fairness, mukhang promising din ang isa pang Sparkada teen na si Larkin Castor kaya karamihan sa members ng press ay nagsabing may magandang future ang bagets kapag pinagbuti niya ang kanyang career.
Sa presscon ng Sparkada, nabanggit ni Larkin kung sino ang nais niyang maka-collaborate sa pagkanta bilang mahilig talaga siya sa music at marunong ding maggitara.
“Actually po, ang gusto kong maka-collab ay sina Jeff (Moses), sina Saviour (Ramos), ‘yung mga kasama ko rito sa Sparkada kasi magagaling silang kumanta and matagal na rin po naming gustong gumawa ng covers ng mga kanta,” tugon ni Larkin.
Nagpasalamat din siya kay “Mr. M” at sa GMA sa pagbibigay sa kanya ng chance na maging bahagi ng Sparkada, “I’m so grateful and blessed na napili po ako sa isa sa mga ilo-launch kasama ‘yung Sparkada.
“And I want to say thank you po kay Mr. M kasi nakitaan niya ako ng potensyal na deserve ko ‘to na ma-launch kasama ‘yung mga taong ito na magagaling at mahuhusay,” sabi pa ng binata.
Ang iba pang members ng Team Sparkada ay sina Roxie Smith, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, Lauren King, Vanessa Peña, Caitlyn Stave, Dilek Montemayor, Jeff Moses, Kim Perez, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Michael Sager at Vince Maristela.
https://bandera.inquirer.net/311551/mr-m-nakita-ang-hinahanap-na-x-factor-sa-17-miyembro-ng-bagong-kapuso-tropa-na-sparkada
https://bandera.inquirer.net/302834/wendell-ramos-nagpaliwanag-sa-pa-blind-item-ni-erik-matti-tungkol-sa-aktor-na-lumayas-sa-shooting
https://bandera.inquirer.net/303729/lolo-narding-binigyan-ng-negosyo-package-ni-wendell-ramos-mission-accomplished