‘Ang Probinsyano’ posible nga bang magtapos ngayong taon?

'Ang Probinsyano' posible nga bang magtapos ngayong taon?

MALAPIT na ba matapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano”? Base sa episode nitong Huwebes ay tinamaan na ng bala ang kalaban nina Coco Martin bilang si Cardo Dalisay na si Lito played by Richard Gutierrez. Wala na rin ang dalawang loyal soldier ni Geoff Eigenmann bilang si Major Albert De Vela na sina Paolo Paraiso as Alcantara at Marc McMahon bilang si Favia.

Sugatan naman sa panig nina Cardo sina Michael De Mesa at John Estrada na parehong walang malay tao.

Nawala na rin sina Cassandra played by Maika Rivera at ang head of security ni Tommy Abuel as Don Ignacio na si Marela Torre bilang si Thalia.

Bugbog sarado naman kay Cardo ang pekeng presidente na si Mariano (Rowell Santiago) at tila ipagtatapat naman ni Ara Mina as Ellen kung ano ang tunay na pagkatao nito.

Kaya naitanong namin ito sa Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal kung hanggang kailan na lang ang longest running action series ni Coco nang makita namin siya sa ginanap na advance screening ng iWantTFC series na “Miss Piggy” na ginanap sa Santolan Town Plaza, San Juan kagabi, Huwebes.

“Baka July (2022) pero hindi pa rin sure, eh. Depende pa sa itatakbo ng kuwento marami pa,“nakangiting sabi ni Sir Deo.

 

 

Hirit namin na baka puwedeng abutin pa ng Setyembre para eksaktong pitong taon ang “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil ang dami pang mangyayari sa kuwento.

Narinig din namin na kasalukuyang nakabakasyon sa taping ang programa at muling babalik sa unang linggo ng Mayo.

Anyway, pakiwari namin ay matatagalan pa dahil kailangang linisin pa ni Cardo ang imahe ng Task Force, singilin sina Lorna Tolentino (Lily), John Arcilla (Hidalgo), Tirso Cruz lll (Executive Secretary Padua).

Sa panig naman ni Sharon Cuneta (Aurora) ay pagbabayarin niya ang ginawa ng papa niyang si Don Ignacio at tiyuhing si Roi Vinzon (Eduardo) sa panggugulo sa nanahimik na pamilya nina Rosanna Roces (Lolita) at Armando sa isla.

At malalaman ni Aurora na tunay niyang anak pala si Julia Montes (Mara) na ginagamit nina Lolita at Armando para patayin si Don Ignacio na lolo pala niya. Abangan din kung magkakabalikan ang tunay na presidente na si Oscar at Aurora.

Kung ano naman ang mangyayari sa personal na buhay nina Cardo, Mara at Lucas (Joseph Marco) at marami pang iba.

Marami ang nagsasabing nagsasawa na sila sa kuwento ng “Ang Probinsyano”, pero umaabot naman sa mahigit na 200k ang live concurrent viewers nito sa YouTube.

At higit sa lahat, ito pa rin ang programang pinag-uusapan gabi-gabi na napapanood sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, WeTV, at iflix.

 

Related Chika:
Coco, Julia sumabak na sa taping para sa ‘Ang Probinsyano’; Kakampi kaya o kalaban?

John Estrada pasok na rin sa ‘Probinsyano’ ni Coco: Blessing sa akin na bumalik sa ABS-CBN!

Ang sekreto ni Coco kung bakit tumagal ang ‘Probinsyano’

Read more...