Derek pinasalamatan ng college friend sa pagtatanggol sa kanya noon laban sa 10 ‘kontrabida’

Ellen Adarna at Derek Ramsay

NAG-SHARE ang hunk actor na si Derek Ramsay ng isang eksena sa kanyang kabataan kung saan mapatutunayan kung gaano siya kaloyal at maaasahang kaibigan.

Ibinahagi ng asawa ni Ellen Adarna sa kanyang social media followers ang ipinadalang mensahe ng pasasalamat sa kanya ng isang kaibigan at dating kaeskuwela.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Derek ang screenshot ng DM (direct message) na ipinadala sa kanya ng friend niyang si Chuck na nasa England at nakasama niya noon sa Cheltenham College.

Dito mababasa ang sobrang pasasalamat sa kanya ni Chuck nang ipagtanggol siya ng aktor laban sa isang grupo na umatake sa kanya noong kanilang college days.

“Hey Derek, not sure if you remember me from Cheltenham College but we were in the same house, Boyne.

“You helped me out a lot and stood up for me and when I got attacked by 8-10 people with hockey sticks in the courtyard,” ang bahagi ng message ni Chuck sa aktor.

“Long time ago of course, but sending thanks all the same,” dagdag pa nito.
Dugtong pa niya, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabutihan at pagiging totoong kaibigan ni Derek sa kanya.

“I really remembered how kind you were to me, at a time I was small and afraid at times. It has stuck with me all these years. And now I’m a dad I respect it even more,” pahayag pa ng college friend ni Derek.

Tuwang-tuwa at super touched naman ang mister ni Ellen sa ginawang effort ng kaibigan sa pagre-reconnect sa kanilang friendship at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimutan.

“This made my day. Great to reconnect with you Chuck Waite and glad to hear you are doing well,” pahayag ni Derek.


Samantala, sa comments section ng post ng aktor ay may nagtanong kung bakit kailangan pa niyang ibandera ang mensahe ng kanyang kaibigan.

Sagot ng celebrity dad, “Knowing that you helped someone earlier in their life and seeing how that person is doing well right now is a great feeling.

“I posted so that we all can be reminded how important little acts of kindness can go a long way. With that said I hope you have a great life,” dagdag pa niya.

Comment naman ng kanyang misis na si Ellen, “My pitbull.”

https://bandera.inquirer.net/304684/retired-sagot-ni-derek-sa-hiling-ng-netizen-na-sanay-magka-project-uli-siya-sa-gma

https://bandera.inquirer.net/281988/kim-nagsalita-na-tungkol-sa-chikang-kasal-na-sila-ni-xian-gusto-rin-daw-maging-koreana

https://bandera.inquirer.net/281116/na-pressure-nga-lang-ba-si-derek-na-mag-propose-agad-kay-ellen

Read more...