Tonton Gutierrez maraming beses natalakan ng direktor dahil sablay umarte; hiyang-hiya kay Sharon Cuneta

Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at Sharon Cuneta

BAGO naging isang award-winning actor si Tonton Gutierrez, dumaan din siya sa maraming challenges lalo na noong unang taon niya sa mundo ng showbiz.

Kuwento ng asawa ng premyado ring aktres na si Glydel Mercado, talagang natalakan at napagalitan din siya ng mga direktor noong medyo bano pa siyang umarte.

Tandang-tanda pa rin ni Tonton ang unang acting project niya sa Viva aa Viva Films, ang blockbuster film na  “Sana’y Wala Nang Wakas” with Sharon Cuneta na ipinalabas noong 1986.

Dito, talagang naboldyak siya ng kanilang direktor na si Leroy Salvador dahil puro sablay daw ang kanyang mga eksena. Siyempre, siguradong hiyang-hiya siya kay Mega noong panahong yun.

“That was my very first film. Meron kaming eksena na hindi ko magawa. Sabi niya, ‘Isipin mo lang yung sitwasyon. Ito ang dialogue mo, ganyan, ganyan, ganyan.

“‘Iyan ang kailangan lagi mo intindihin at ilagay sa utak mo. Na kapag meron kang sinasabing linya, kailangang manggaling sa loob mo. Hindi lang basta na lang yung dialogue binibitaw mo na ganun, na memorized mo lang at sinabi mo lang.

“‘Kailangan mangyari, manggaling sa loob mo para maramdaman mo, para maramdaman ng kaeksena mo yung pinaparating mo.’ Yun yung talagang tumatak sa isip ko,” dire-diretsong pahayag ni Tonton sa virtual mediacon ng bago niyang Kapuso series na “False Positive”.

Pagpapatuloy pa niya, “Unang ka-pair ko nu’n, I was teamed up with Sharon. Yung roles that I did after that was with big stars.

“I was practically very new in the business. It’s mostly dun sa directors. Du’n ako lagi napapagalitan nu’n. Siyempre I was new,” chika pa ng anak ng mga batikang artista rin na sina Eddie Gutierrez at Liza Lorena.

Kuwento pa ng aktor, “Sanay ako sa showbiz dahil nanay ko at tatay ko nasa showbiz. But yung patakaran ba ng showbiz hindi ko pa alam yan noon.

“Because I wasn’t really aiming to become an actor during that time. I was more into commercials, modelling. And then, nasabak nga ako sa showbiz.

“Sa industry, nu’ng baguhan ako, talagang napapagalitan ako ng director. Hindi ko talaga siya masisisi. I just had to learn from them from what they were teaching me and learn from that experience,” pagbabalik-tanaw pa ng aktor.

Halos 36 years na ngayon si Tonton sa showbiz at aminado siyang hindi niya in-expect noon na ito na ang magiging mundo niya hanggang ngayon.

“Actually, iniisip ko sa buhay ko, it was destiny. Talagang from the very beginning, wala akong kaalam-alam sa acting.

“Nasabi ko lang yun na puwede pala akong maging artista talaga when I won my first award as best actor, sa Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?” sey ni Tonton. Sa nasabing pelikula na ipinalabas noong 1987, nakatambal niya ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Sa nasabing movie, nanalo si Tonton ng best actor sa Star Awards kung saan gumanap siya bilang isang binatang may mental condition si Tonton kung saan pinilit siya ng kanyang kapatid na pakasalan ang babaeng nabuntis niya.

“Du’n ko lang na-appreciate, dun ko lang nasabi sa sarili ko na there’s something in me na, kumbaga, puwede pala akong maging artista, meron din pala akong ability to act.

“From then on, dun ko na natutunan mahalin, dun ko na talaga pinagbubuti yung aking craft,” pahahag pa ni Tonton na muli ngang mapapanood sa Kapuso romcom series na “False Positive” simula sa May 2.

https://bandera.inquirer.net/292346/janine-sa-pagtatrabaho-sa-abs-cbn-im-so-happy-to-be-here-at-naramdaman-ko-yung-alaga

https://bandera.inquirer.net/303972/rica-maraming-pangakong-napako-dahil-sa-anak-payo-sa-mga-mommy-never-stop-listening-to-your-kids

https://bandera.inquirer.net/309316/ana-jalandoni-walang-tigil-ang-pag-iyak-sa-harap-ng-press-hindi-ko-deserve-to-ipaglalaban-ko-ang-sarili-ko

 

Read more...