NILAIT-LAIT ng isang bastos na netizen ang anak nina Pokwang at Lee O’Brien na si Malia.
Ayon sa basher, napapansin daw niya na habang lumalaki ang bata ay “pumapangit” ito tulad daw ng kanyang nanay.
Nag-comment kasi ang nasabing netizen sa isang Instagram post ni Pokwang kung saan proud niyang ibinandera ang kakyutan ng apat na taong gulang niyang anak.
Sa comments section ng IG post ng komedyana ay nag-iwan nga ng kadema-demandang mensahe ang basher na may username na @roxet08.
“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay… sana wag mamana ugali ng nanay na panget din,” ang komento ng hater.
Niresbakan naman siya ni Pokwang at pinagbantaan na sasampahan ng ng reklamo dahil sa pambu-bully at pambabastos nito sa isang inosenteng bata.
Warning ni Pokey sa naturang basher, “OK, nurse ka pala? Noted this see you in court bullying innocent child ok.”
Ni-repost ito ni Pokwang sa kanyang Twitter page nitong nagdaang Sabado de Gloria, April 16 na may caption na, “Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha.
“Ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa?? E, ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan! O pang pelikula deba?? Magandang title,” ang pahayag pa ni Pokey.
Isa sa mga nagkomento sa post ng komedyana ay ang kaibigan niyang si K Brosas, “San yan???? Hindi ako post galore kc semana santa pero wag si malia!!! (angry emojis).”
Nag-reply naman si Pokwang kay K Brosas at nagpasalamat sa concern ng kapwa komedyana, “We love and miss you nang nang!!!!”
At mukha namang natakot na ang nam-bully kay Malia dahil nang i-check namin ang account ng basher ay hindi na ito makita.
Nauna rito, sinupalpal na rin ni Pokey ang mga netizens na nagbantang ia-unfollow na siya sa social media dahil sa pagsuporta sa kandidatura ng presidential aspirant na si Leni Robredo.
“Bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nag-mamaasim na suporter ng kabila?
“Bakit di nyo nalang suportahan mga kapwa ko artista na kaalyado n’yo kesa i-bash nyo kami? They need your support too!”
“Gusto ko lang malaman nyong mga nagbabanta mag-unfollow sa ‘kin, go ahead. ‘Di po ako takot mawalan ng followers! Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa ‘king mga anak at magiging apo,” matapang pa pahayag ni Pokwang.
https://bandera.inquirer.net/310339/pokwang-nawindang-sa-mga-madaling-makalimot-bilib-sa-mga-taong-pinapahalagahan-ang-boto
https://bandera.inquirer.net/281350/pokwang-sa-lahat-ng-magulang-na-lumalaban-para-sa-pamilya-wag-tayong-susuko
https://bandera.inquirer.net/290977/pokwang-pinagtripan-si-madam-inutz-ito-ang-nagagawa-ng-lockdown