Christine Bermas pinalitan si AJ Raval sa remake ng ‘Scorpio Nights’: Lahat ng ipagagawa sa akin, kakayanin ko

AJ Raval at Christine Bermas

ANO nga kaya ang dahilan ng controversial actress na si AJ Raval at tinanggihan niyang gawin ang ikatlong version ng sex-drama-suspense movie na “Scorpio Nights”?

Kahapon, April 17, sa presscon ng bago niyang pelikula under 3:16 Media Network at Mentorque Productions, ang “Fall Guy” na pagbibidahan ni Sean de Guzman, biglang in-announce ni Direk Joel Lamangan na ang palaban ding sexy star na si Christine Bermas na ang bibida sa “Scorpio Nights 3.”

Ayon kay Christine, si Lawrence Fajardo ang magdidirek ng nasabing pelikula at wala pa siyang idea kung sinu-sino ang makakasama niya rito.

Wala rin daw issue sa kanya kung second choice lang siya sa movie after ngang tanggihan ni AJ, “Aware po ako na ibinigay yung project kay AJ Raval. Aware po ako du’n.”

Aware rin ang dalaga kung gaano ka-bold ang “Scorpio Nights” ni Anna Marie Gutierrez noong 1985, at “Scorpio Nights 2” ni Joyce Jimenez noong 1999.

Napanood na raw niya ang dalawang version nitong nagdaang  Holy Week, kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay ano ang reaksyon niya sa mga mapangahas at iskandalosang eksena sa mga nabanggit na pelikula.

Sabi ni Christine, “Sobrang… sobrang parang… kakaiba siya! Iba talaga yung Scorpio Nights. Grabe!

“Nu’ng day pa lang na in-offer siya sa akin, pressured na pressured na ako! Siyempre natuwa po ako, and honestly, medyo naging emotional. Sobrang thankful po ako na napunta sa akin ang project na ito,” pahayag ng dalaga.


Isa pang tanong sa dalaga kung bakit pumayag agad siyang gawin ang “Scorpio Nights 3” na tinanggihan nga ni AJ?

“Well, feeling ko naman po is kaya ni AJ Raval. Siguro, may some reason lang na… that’s why, siguro, nag-fit sa ganu’n,” ani Christine na hirap na hirap sa paghahanap na isasagot.

“And for me naman po kasi, hindi naman po sa kinuha ko yung para kay AJ Raval. Siguro, may reason din si God,” dagdag pang sagot ng dalaga na aminadong NBSB o no boyfriend since birth.

Wala naman daw magagalit o magbabawal kay Christine na gawin ang mga maiinit na sex scenes sa “Scorpio Nights 3.” At kaya rin daw niyang gawin ang lahat ng ipagagawa sa kanya ni Direk Law Fajardo.

“Ako, lahat kaya kong gawin. Lahat ng kailangang gawin sa movie, kaya ko,” sabi pa ng dalaga na talagang nagustuhan agad ang istorya ng “Scorpio Nights 3” matapos mabasa ang script.

https://bandera.inquirer.net/289360/scorpio-nights-actor-orestes-ojeda-pumanaw-na-sa-edad-65
https://bandera.inquirer.net/309887/palabang-sexy-star-na-si-christine-bermas-ayaw-munang-magpabuntis-type-na-type-si-joshua-garcia

https://bandera.inquirer.net/287950/jessy-pag-may-anak-na-gusto-ko-ako-yung-magluluto-ako-yung-magdadala-at-susundo-sa-kanila-sa-school

Read more...