Trabaho sa abroad | Bandera

Trabaho sa abroad

Joseph Greenfield - September 20, 2013 - 01:43 PM

Sulat mula kay Gina ng Barangay Barangay V – Malubog (Pob.),  Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Wala pa rin kaming sariling bahay kahit na ang isa sa mga magulang ko ay nagtatrabaho sa Middle East.  Bumaba na kasi ang suweldo roon pero naroon pa rin ang tatay ko dahil wala naman siyang trabaho kung uuwi siya ng Pilipinas.  Marami kaming magkakapatid.  Pinaghahati-hati niya ang ipinadadalang pera at malaki ang napupunta sa dalawang nasa kolehiyo.  Sa susunod na pasukan, kung papalarin, ay matatapos na ako ng aking piniling kurso.  Nais ko sanang malaman kung makapaga-abroad ako. Gusto kong mag-abroad para makatulong ako sa aming pamilya at maibili at maipagpagawa ko ng sariling bahay ang mga magulang ko. Matutupad kaya ang pangarap kong ito? Kailan ito mangyayari?  May 10, 1988 po ang birthday ko.
Umaasa,
Gina ng Barangay Barangay V – Malubog (Pob.), Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakatutuwang makitang may malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran tiyak ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pangingibang- bansang  itatala sa iyong kapalaran. Basta ang mahalaga ngayon, pagbutihin mo lang muna ang iyong pag-aaral.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Seven of Diamonds at Five of Clubs ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakatapos ka ng pag-aaral, makapaga-abroad ka na.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending