Female celeb hindi marunong makisama sa katrabaho, feeling diva at inirereklamo ng road manager

SANA’Y mapanood ng wannabe actress ang YouTube vlog ni Meryll Soriano kung saan si Judy Ann Santos ang special guest at napag-usapan ang pagkakaiba ng ugali ng mga artista noong panahon nila at ng henerasyon ngayon.

Tinalakay nina Mama Meme (Meryll) at Juday ang mga baguhang artista ngayon na walang respeto sa kapwa nila artista lalo na sa mas senior sa kanila dahil dinadaan-daanan lang ang mga ito at hindi marunong bumati.

Ang wannabe actress na bida sa blind item naming ito ay nasa tatlo o apat na taon palang sa kanyang showbiz career at sa panahong ito ay bilang palang ang mga project niya sa network kung saan siya belong.

Napansin namin na tila hindi nabibigyan ng spotlight ang wannabe actress na ito kumpara sa mga kasabayan niya at sa katunayan ay naungusan pa siya ng ilang kahenerasyon niya.

Maganda at okay naman ang height niya, ‘yun nga lang hindi pa namin siya nakitaan ng bigat sa pag-arte, pero madali naman itong matutunan kapag talagang nagseryoso siya sa acting workshop ng ipinagagawa ng talent management niya.

Hindi pala ang pag-arte ang problema sa wannabe actress na ito kundi ang ugali niya mismo dahil hindi siya marunong makisama, hindi marunong maki-mingle sa co-stars niya sa show, may pagka-diva at higit sa lahat inirereklamo siya ng handler at road manager niya.

Napansin naming hindi siya sinasamahan ng road manager niya sa mga lakad nito gayung required ang lahat ng artista ng network kung saan kunektado ang wannabe actress na may kasama siya kapag showbiz events, tapings at shootings noong wala pang pandemic.

At ngayong panahon nga ng pandemya ay totally wala nang nag-aasikaso sa wannabe actress at hindi nga rin siya kinukumusta.

Nag-imbestiga kami at nalaman namin mismo sa isang taga-network na, “May sarili naman siyang desisyon, hindi naman sumusunod ‘yan sa amin. Kung ano ang gusto niya yun ang gagawin niya kahit hindi dapat.  Siya ang nasusunod kung anong oras ang call time niya at kung anong oras siya dapat ma-pack up.”

Napakunot noo kami sabay tanong kung puwede ba ‘yun? Under contract siya ng network ibig sabihin dedma siya sa patakaran ng production?

“May internal na pag-uusap yata.  Kaya hinahayaan na lang namin.  Pag may inquiry sinasagot naman pero kapag dumiretso sa kanya out na kami,” katwiran pa sa amin.

Wow, isa ba siya sa owner ng network para masunod siya parati? 

Hindi lang pala acting workshop ang dapat nitong salihan, dapat mag-workshop din siya kina Meryll, Judy Ann at higit sa lahat kay Ms. Maricel Soriano para matutunan nito ang salitang respeto sa kapwa artista at maging humble kung type niyang magtagal sa showbiz.

https://bandera.inquirer.net/309440/juday-inalala-ang-pagiging-child-star-lahat-ng-mga-batang-impakta-nagawa-ko-na-pero-masaya

https://bandera.inquirer.net/284937/bwelta-ni-meryll-sa-bashers-nila-ni-joem-wala-akong-time-nag-aalaga-ako-ng-baby

https://bandera.inquirer.net/292856/weightlifting-video-ni-matteo-binanatan-ng-basher-tinawag-na-clown-joker-at-hidilyn-wannabe

Read more...