Andi nagiging sentimental sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ni Ellie

Andi Eigenmann at Ellie Ejercito

NAGIGING emosyonal si Andi Eigenmann kapag nakikita ang mga pagbabago sa personalidad at ugali ng panganay niyang anak na si Ellie.

Hindi raw maiwasan ni Andi na maging sentimental kapag napapansin niyang unti-unti nang nagiging independent ang anak nila ni Jake Ejercito.

Aniya, napakabilis daw talaga ng panahon ngayon dahil ang dating sanggol na isinilang niya ay may sarili na ring buhay ngayon kasama ang kanyang mga kaibigan at iba pang taong nakikilala niya sa Siargao kung saan sila nakabase ngayon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Andi ng mga litrato nila ni Ellie kalakip ang madamdaming mensahe tungkol sa paglaki ng anak.

“Pictures coming rare with this beaut lately. She’s been busy growing up, that’s why!

“I had to come up to her and ask a favor from one of her friends to take this pic. I could see her from a distance as I was busy fixing up at @kanaway.snackbar,” simulang pahayag ni Andi.

Aniya pa, “I felt a bit sentimental as I watched her fondly hanging around exchanging giggles, and bustin out some TikTok moves with her group.

“Her circle has been growing on the island and it has been contributing to her character.

“Growing up to be so playful, and cheerful, and charming and so friendly! I love this girl!” mensahe pa ng aktres sa kanyang Instagram post.

Sa isang IG post ni Andi, nabanggit din niya na talagang super nami-miss niya ang anak kapag wala ito sa isla para naman makasama ng ama nitong si Jake

“A part of me always feels missing when this kid isn’t around. I miss her so much! Having three kids doesn’t mean we learn to split our hearts into pieces.

“Mothers just have this innate capability of having our hearts grow so big enough to have more and more love to give,” aniya pa.


Nauna rito, proud na proud namang ibinandera ng fiancée ng professional surfer na si Philmar Alipayo na natututo na ring mag-surf ang kanyang mga anak na sina Lilo at Koa.

Talagang kinakarir daw ni Philmar ang pagtuturo sa kanilang mga anak kapag oras na ng kanilang bonding moments.

Masaya ring ibinalita ng engaged couple na very soon ay bubuksan na nila ang itinayong surf school at snack bar sa isla ng Siargao.
https://bandera.inquirer.net/282396/jake-masaya-sa-co-parenting-setup-nila-ni-andi-nakikita-ko-kay-ellie-na-hindi-na-siya-nahihirapan

https://bandera.inquirer.net/298529/jake-may-promise-para-kay-ellie-happy-birthday-my-love

https://bandera.inquirer.net/284579/pia-nakiusap-na-wag-nang-ireklamo-ang-pagkapanalo-ni-miss-mexico-nagiging-sobrang-toxic-na

Read more...