Rabiya, Jeric dedma lang sa magkaibang religion; Jo Berry nagbalak mag-apply uli sa call center dahil sa pandemya

Jo Berry, Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

HINDI naging hadlang at walang issue para sa Kapuso couple na sina Miss Universe 2020 Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang  pagkakaiba nila ng religion.

Inamin ng Pinay beauty queen na isa siyang Born Again Christian habang Roman Catholic naman ang boyfriend niyang hunk actor na si Jeric.

Kung hindi kami nagkakamali, magkasamang ginunita nina Rabiya at Jeric ang Holy Week kahit na magkaiba ang kanilang pinaniniwalaang relihiyon.

Paliwanag ng Kapuso actress, sa isang relasyon mas mahalaga pa rin ang respeto at pagkakaunawaan para mas mapatatag at maging solid na solid ang samahan.

“Hindi lang siya rin parang relationship na all about love. Gusto rin namin, we have spiritual growth.

“Kahit may differences kami when it comes to religion, we just make sure to meet in the middle and respect those differences,” sey pa ni Rabiya.


* * *

Itinuturing ni Kapuso actress Jo Berry na big blessing ang hit series niyang “Little Princess” kung saan kasama niya sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino.

Ayon sa dalaga, ito ang unang project niya ngayong panahon ng pandemya kaya naman abot-langit talaga ang pasasalamat niya sa GMA 7 at muli siyang binigyan ng chance.

Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March, 2020, nawalan din ng trabaho si Jo kaya nagplano siyang mag-apply uli bilang call center agent sa business process outsourcing (BPO) industry.

“Medyo nu’ng time na ‘yun noong nag-pandemic na hindi ako sure kung may babalikan pa ba kong career kasi syempre isa sa mga sobrang tinamaan, ‘yung talagang huminto is ‘yung pagte-taping no’ng time na nag-lockdown.

“Meron akong show so hindi lang noon natapos, tapos siyempre nagpaplano ako ano pang gagawin ko.

“‘Di ako sure kung babalik pa ba kung paano before so ayun naisip ko mag-work na lang ulit ako siguro ko ng day job,” sey ni Jo.

“Pero ayon nga, so ibinigay ‘yung Little Princess so ‘di na ako natuloy bumalik sa BPO,” chika pa ng dalaga.

Halos isang taong natengga ang showbiz career ni Jo kaya nang malaman niyang plantsado na ang muling pagbibida niya sa “Little Princess” noong early part ng 2021.

https://bandera.inquirer.net/301267/rabiya-mateo-jeric-gonzales-nagkakamabutihan-na-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/308511/jeric-nag-propose-muna-kay-rabiya-bago-nanligaw-love-story-nagsimula-sa-wish-ko-lang

https://bandera.inquirer.net/306048/jo-berry-pinatunayang-hindi-lang-binabatuk-batukan-pangperya-ang-mga-little-people

Read more...