PAGKATAPOS bigyan ng financial assistance ni Toni Gonzaga para pangdagdag sa pagpapagawa ng kanilang bahay, si Karen Davila naman ang nangakong mag-aabot ng tulong kay Herlene Budol.
Promise ng Kapamilya broadcast journalist, ibibigay niya kay Herlene na kilala rin bilang si Hipon Girl, ang kikitain ng kanyang YouTube vlog kung saan nakapanayam nga niya ang Kapuso TV host-comedienne.
Sabi ni Karen, gusto raw niyang maging bahagi ng katuparan ng pangarap ni Herlene na makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.
Last Tuesday, April 12, ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram account ang teaser ng interview sa kanya ni Karen. Umabot na sa mahigit 1.6 million ang views nito sa YouTube channel ng news anchor.
Ang isinulat na caption Herlene sa kanyang IG post, “Aliw na aliw sa akin si Miss Karen Davilla sa pag interview sa aking pagiging Squammy approach ko.
“Sa kanya ako nag unang chika na sasali ako ng Binibining Pilipinas at nag trending yung content namin ng 1.5M views,” aniya pa.
Nang mabasa ito ni Karen, agad siyang nagkomento ng, “It’s so easy to love you Herlene kasi napakabuti ng puso mo (heart emoji) God will reward your faithfulness and love for your family!
“I am here for you (smiley with three hearts emoji) hoping kahit paano makatulong ang proceeds ng vlog sa plano mong lilipatan (heart emoji),” dagdag pa niyang pahayag.
Samantala, sa isang bahagi nga ng vlog ng Kapamilya broadcaster ay natanong din si Herlene kung nagastos na ba niya ang perang ibinigay sa kanya ni Toni Gonzaga na nagmula rin sa kinita ng vlog nito sa YouTube noong July, 2021.
Nangako ang proud BBM (Bongbong Marcos) supporter na ido-donate niya kay Hipon Girl ang lahat ng kikitain ng kanilang video para raw maipangdagdag ng dalaga sa pagpapagawa ng bubong ng kanilang bahay.
Chika ni Herlene, “Yung ibinigay po sa akin ni Toni Gonzaga po, binigyan niya po ako ng pera nun, e, pampagawa po sana ng bubong.
“Inisip ko na lang po na ipunin tapos lumipat na lang po kami. Hindi ko pa rin ginagastos, ref pa lang nabibili ko.
“Nandu’n pa rin sa bangko. Hinding-hindi ko gagalawin iyon kasi alam kong hindi sa akin iyon. Pambahay namin yun. Tapos, siyempre po, iniipon ko po ngayon yung kita sa vlog ko po,” aniya pa.
Sabi pa ni Herlene, ang bahay na tinitirhan nila ng kanyang pamilya sa Angono, Rizal ay hindi nila pagmamay-ari, “rights” lamang daw ang pinanghahawakan nila, “Rights po, yung parang bayad bayad lang po kami every month.”
Mahigit 30 years na raw ang rights na pinanghahakan ng kanyang lolo at lola kaya hindi rin nila ito maiwan-iwan.
“Pero they’ll never own it,” ang komento naman ni Karen na sinang-ayunan nga ni Herlene at wala nga itong kasiguraduhan kaya gusto niyang magpagawa na lamang ng sariling bahay.
https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex
https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka
https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala