Candy umaming hindi na alam ang gagawin kung minsan kapag sinusumpong ang anak na may ADHD: You can cry, but…

Candy Pangilinan at Quentin

“PUWEDE kang umiyak, pero bawal na bawal kang magalit at sumigaw.”

Isa ito sa mga dapat tandaan ng mga magulang, kapatid at ng sinumang may kapamilyang may special needs base na rin sa mga naging pahayag ng veteran actress at komedyana na si Candy Pangilinan.

Ipinost ni Candy sa kanyang Instagram page ang teaser ng kanyang bagong vlog sa YouTube kasama ang anak na si Quentin na may ADHD/autism.

Sa video, makikita ang pangungulit ni Quentin habang nagta-tantrums. Aniya sa caption, “There are good days, there are tantrums/meltdown days. Children with ADHD/autism oftentimes cannot understand how and why they are feeling such.

“Parents’ understanding and tolerance is needed. You can cry but you are not allowed to shout and give up,” pahayag pa ng beteranang komedyana.

Nasabi rin ni Candy na totoong may pagkakataon na hindi na rin niya kayang kontrolin ang anak kapag sinusumpong na ito.

“I too admittedly sometimes do not know what to do anymore. I close my eyes and take a few breaths. I remind myself that there are better days ahead. I think of ways on how I can help/better understand his ongoing emotion,” paliwanag ni Candy.


Mapapanood naman sa huling bahagi ng video ang eksena ng paghingi ng sorry ni Quentin sa kanyang mommy na ipinaliwanag mabuti sa anak ang maling nagawa nito.

May panawagan din ang aktres sa kanyang Instagram post na sana’y mas maging open minded ang publiko sa mga taong may ADHD o autism.

“April is international Autism month. Let’s be more kind with each other. I do hope that one day inclusion may truly happen in this country,” sey ni Candy.

Maraming nagkomento sa IG post ng komedyana, kabilang na ang mga nanay na may “special child.” Ilang kaibigan din niyang celebrities ang nagpaabot ng mensahe ng suporta tulad ni Yassi Pressman.

“I love you Ate. You’re such a strong woman & mother! Quentin is very lucky, and he loves you so much!!” ang pahayag ni Yassi na isang kilalang mental health advocate.

https://bandera.inquirer.net/287134/candy-idol-mom-ng-mga-nanay-na-may-special-child-nakakabilib-ang-tapang-niya

https://bandera.inquirer.net/302460/candy-pangilinan-muling-nagpositibo-sa-covid-19
https://bandera.inquirer.net/296857/albie-aminadong-may-adhd-mas-kalmado-ang-isip-kapag-nag-work-out

Read more...