Barbie Imperial nakaladkad na naman sa isyu dahil sa pa-yummy photo ni Diego Loyzaga

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

NABAHIRAN ng malisya ang one-liner na comment ni Diego Loyzaga sa isang netizen na nagsabing mas lalo raw nagiging yummy ngayon ang hunk actor.

Nakaladkad na naman kasi ang pangalan ng ex-girlfriend ni Diego na si Barbie Imperial sa mga komento ng ilang fans tungkol sa itsura ngayon ng binata.

Nitong nagdaang Linggo, April 10, nag-post ang aktor ng mga litrato na kuha sa isinagawa nilang BBM-Sara Celebrity All-Star basketball event na ginanap sa Cebu City Coliseum.

Nakasama roon ni Diego ang kanyang tatay na si Cesar Montano kung saan nangampanya sila para sa UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa ka-tandem nitong si vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito’y nangyari noong Biyernes, April 8. Ang tanging inilagay na caption ni Diego sa kanyang Instagram post ay, “proof of life.”

Sa comments section nito, maraming netizens ang nagsabing fresh na fresh ang aura ngayon ni Diego. Sey ng isa niyang IG follower,

“Lalo kang pumupogi (weary face, red heart emojis).”

Maikling reply naman sa kanya ng Vivamax actor, “Stress free (smiling face with three hearts emojis).”

Kasunod nito, may mga netizens nga ang nagsabing baka raw ang ex-girlfriend niyang si Barbie ang nagbigay ng matinding stress sa aktor, lalo na noong magkarelasyon pa sila.

May ilan namang nagtanggol kay Barbie at nakiusap na sana’y tigilan na ng mga bashers ang pagbanggit sa pangalan ng aktres sa mga ganap sa buhay ni Diego dahil nananahimik na ito ngayon.


Hindi na nag-reply si Diego sa palitan ng mensahe ng kanyang mga followers. Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang binata tungkol sa break-up nila ni Barbie.

Last April 3, sa vlog ni Toni Gonzaga, diretsahang sinabi ni Barbie na totoong umasa siyang si Diego na ang kanyang “the one” at inakalang sa kasalan na mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

“May mga conversations kasi kami ni Diego na parang akala din namin pareho na yun na yun.

“Pero nagulo talaga yung relasyon namin. Siguro din kasi too much din yung exposure namin sa mga tao.

“E, para sa akin kasi minsan, pag sobrang alam na ng lahat ng tao yung about sa personal na buhay niyo, parang kaya na rin nilang sirain.

“Pag in-allow niyo sila na parang makapasok sa world niyong dalawang couple,” pahayag ni Barbie.

Nabanggit din ni Barbie na noong magkausap sila ni Diego pag-uwi nito galing sa Amerika ay may feelings pa rin sila para sa isa’t isa pero nag-decide sila na tuluyan nang tapusin ang lahat para hindi na magkasakitan pa.

https://bandera.inquirer.net/309699/barbie-imperial-umasa-nga-bang-magkakabalikan-pa-sila-ni-diego-loyzaga

https://bandera.inquirer.net/303581/diego-loyzaga-tikom-pa-rin-ang-bibig-ukol-sa-estado-ng-kanilang-relasyon-ni-barbie-imperial

https://bandera.inquirer.net/309699/barbie-imperial-umasa-nga-bang-magkakabalikan-pa-sila-ni-diego-loyzaga

Read more...