8,241 pumasa sa 2020/2021 Philippine Bar exams

8,241 pumasa sa 2020/2021 Philippine Bar exams

INILABAS na ng Korte Suprema ang resulta ng nagdaang 2020/2021 Philippine Bar exams kung saan 8,241 ang pumasa.

Ito ay katumbas ng 72.28 percent ng kabuuang 11,402 law graduates na kumuha ng Bar exams noong February 4 at 6.

Ayon kay 2020/2021 Bar exams chair Justice Marvic Leonen, mula sa 8,241 na pumasa, may 761 exemplary passers na nakakuha ng 85-90%.

May 14 bar takers rin ang nakakuha ng recognition for excellent performance matapos silang makakuha ng grado na mas mataas sa 90%.

Hindi tulad ng mga nagdaang batch ng bar exam passers, walang traditional announceng ng Top 10 passers bagkus, kinilala ang mga ito ng Korte Suprema bilang bar examinees na may “exemplary performance”. Sila ang mga bar passers na nakakuha ng average grade ng 85% o mas mataas pa.

Dahil sa COVID-19 pandemic na nagdulot ng dalawang taong pagkaantala ng naturang bar exam, maraming pagbabago ang ginawa mula sa tradisyunal na pagkuha ng bar exams.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan isinagawa sa digitalized format sa pamamagitan ng isang software ang bar exam sa 31 testing sites sa buong bansa.

Noon kasi ay handwritten ang bar exam at ginaganap lamang sa isang testing center.

Bukod pa rito, naging dalawang araw na lang ang exam kung saan may isang araw lamang na pagitan hindi tulad noon na 4-day exam na ginaganap tuwing Linggo.

Sa May 2 naman nakatakdang ganapin ang oath taking ng mga bagong abogado ng bansa.

Other stories:
PRC licensure exam sa Mayo at Hunyo, tuloy na

PRC binira nina Sens. Villanueva at Cayetano sa kanselasyon ng licensure exams

Read more...