Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Regine Velasquez

BOTONG-BOTO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kay Rayver Cruz para sa anak-anakan niyang si Julie Anne San Jose.

Wala pang aminang nangyayari sa pagitan ng dalawang Kapuso stars tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero marami ang nagsasabi na mukhang may something na ngang namamagitan sa kanila.

Tulad na lang ni Regine na talagang napa-comment sa chika tungkol kina Julie Anne at Rayver Cruz na siyang pumalit sa kanya bilang mga host ng dati niyang programa sa GMA 7, ang reality singing search na “The Clash”.

Isa si Julie Anne sa mga Kapuso stars na talagang malapit kay Regine dahil matagal silang nagkasama noon sa GMA at younger sister na ang turing niya sa dalaga.

Kaya naman aliw na aliw ang mga fans nina Julie Anne at Rayver nang makipagpalitan ng mensahe sa Twitter ang Songbird sa Kapuso TV host-actor.

Nag-post kasi ang binata ng sweet photo nila ni Julie Anne sa Twitter last April 9 kasabay ng pagpapalabas ng third and final leg ng digital concert ng dalaga na “Limitless, A Musical Trilogy” kung saan siya ang special guest.

“Kaka proud naman powssss hehe the one and only @MyJaps #LimitlessRise,” ang mensahe ng aktor kalakip nga ang litrato nila ng Asia’s Limitless Star na kuha sa loob ng dressing room.

Dito nga nag-comment si Regine bilang isang “protective ate” at pinaalalahanan si Rayver na huwag pababayaan si Julie Anne.


“Alagaan mo yan ha special sa amin yan si Chuli by the way parang kailangan natin mag usap (smiling face with open mouth emoji),” sabi ni Regine sa kanyang tweet.

Nag-reply naman si Rayver sa komento ni Regine, “Ate Reg!!! wahahaha hello po!!! cge po Godbless po hahaha!”

Sa ilang beses na panayam ng entertainment media kay Julie Anne ay never pa niyang inamin nang diretsahan kung magdyowa na sila ni Rayver. Ayaw din niyang magsalita kung nanliligaw na ba ang aktor sa kanya.

“Mas maganda siguro po talaga kung siya na lang po ang tatanungin ninyo at sa kanya po manggagaling,” ang laging tugon ng dalaga.

“But everybody knows we’ve always been very, very close. We’ve been like really good, we enjoy each other’s company at saka sobrang comfortable po namin sa isat isa. So, that’s my answer. We will see,” pahayag pa ni Julie Anne.

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Read more...