ABANGERS na ang mga manonood sa bagong inspirational family drama ng GMA 7 na “Raising Mamay” starring Comedy Queen Ai Ai delas Alas and StarStruck Ultimate Female Survivor Shayne Sava.
In fairness, sa trailer pa lang ng serye ay talagang maku-curious ka na sa kuwento kung saan gaganap si Ai Ai bilang si Letty, ang nanay ng karakter ni Shayne na si Abigail.
Ipinakita sa teaser ng programa na mababaril si Letty at magreresulta sa traumatic brain injury na magiging dahilan ng pakakaroon nito ng age regression.
Magbabalik si Letty sa pagiging bata at aakalain niyang si Abigail ang nanay niya. Kaya ang mangyayari si Abigail ang tatayong “ina” ng kanyang nanay.
Kuwento ni Shayne sa ginanap na presscon ng “Raising Mamay” kamakalawa, April 10, “Sobrang mapagmahal ni Abigail sa magulang n’ya lalo na sa Mamay niya.
“When it comes to her family, gagawin n’ya talaga lahat para lang maging maayos ‘yung pamilya niya, sumaya ‘yung Mamay niya and doon ako nakaka-relate,” kuwento ni Shayne.
Aniya pa, “Feeling ko lalong makaka-relate ‘yung mga makakanood pa nito kasi this is all about family kasi dini-discuss dito hindi lang hardships ng mga anak, kundi ‘yung paghihirap din ng mga magulang.”
Aminado naman ang dalaga na mas matindi ang nararamdaman niyang pressure sa “Raising Mamay” kesa sa huli niyang serye na “Legal Wives.”
Nakasama ng dalaga sa nasabing serye ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil at ngayon nga ay ang Comedy Queen naman ang makakasama niya sa matinding aktingan.
Pero sabi ni Shayne, madali naman daw siyang nakapag-adjust agad dahil sa tulong ni Ai Ai at ng buong production, lalo na sa madadramang eksena.
“Sobra po akong kinikilig talaga nu’ng sinabi po ni Ms. Ai Ai na gusto na niya ako unang kita pa lang niya sa akin like parang hindi ko alam ‘yung mararamdaman ko sa sobrang kilig, sa sobrang tuwa.
“Kasi siyempre po ‘di ba, dati pinapanood ko lang si Ms. Ai Ai sa mga movies niya, sa mga teleserye niya, tapos ngayon makakatrabaho ko na siya.
“Ang sarap lang po feeling na naa-appreciate ka lalo na ng mga veteran actors and actresses and siyempre pakiramdam ko po naa-appreciate nila ‘yung mga effort namin, ‘yung effort ko when it comes to my craft so it’s very overwhelming. Sobrang nakakataba ng puso,” pahayag pa ng dalaga.
Two months tatagal ang lock-in taping ng bagong Kapuso serye na nagsimula noong Feb. 25 at matatapos ngayong buwan.
Sabi pa ni Shayne, napakarami niyang natututunan sa bawat araw ng kanilang taping, itinuturing na rin daw niyang mga mentor ang co-stars niya sa “Raising Mamay.”
“Iba po kasi ‘yung feeling kapag kasama mo sila sa set kasi madami ka talagang matututunan sa kanila not only about work but also about their experiences outside their work.
“Siyempre kapag kinakausap mo sila, kinukwentuhan ka nila, may matututunan ka rin sa mga experience nila in life kung paano nila ginawa ‘to, ginawa ‘yan.
“Tapos eventually binibigyan nila kami lagi ng mga advice and honored po ako na makasama si Ms. Ai and ‘yung iba pa pong cast ng ‘Raising Mamay’.
“And looking forward po ako na makakakuha pa po ng more advice and tips sa kanila na talagang makakatulong po sa akin to motivate and inspire more people,” sey pa ni Shayne.
Makakatambal naman ni Shayne dito ang ka-love team niyang si Abdul Raman. Ka-join din sa serye sina Gary Estrada, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion at marami pang iba.
Mapapanood na ang “Raising Mamay” simula sa April 25 sa GMA 7 lang.
https://bandera.inquirer.net/306236/shayne-kinilig-sa-paandar-ni-abdul-from-marikina-to-pasig-dinalhan-niya-ako-ng-food-naka-bike-lang-siya
https://bandera.inquirer.net/308022/kahit-hindi-na-magkaibigan-ai-ai-hiling-pa-rin-ang-paggaling-ni-kris-god-bless-her
https://bandera.inquirer.net/304293/shayne-sava-2-beses-nang-tinamaan-ng-covid-19-matindi-yung-una-pero-ngayon-hindi-na-ganun-kagrabe