Gary, Angeli nagbabala sa mga nambu-bully kay Gab sa socmed: Pease stop bashing our son, God bless you

Angeli Pangilinan, Gab Valenciano at Gary Valenciano

SUPORTADO ng OPM icon at singer-songwriter na si Gary Valenciano ang asawang si Angeli Pangilinan matapos nitong buweltahan ang mga nambu-bully kay Gab Valenciano.

Hindi na nakapagtimpi ang talent manager sa patuloy na pamba-bash ng mga netizens sa anak nila ni Gary kaya naman pinatulan na niya ang mga ito sa pamamagitan ng social media.

Nag-ugat daw ito nang lantarang ibandera ni Gab ang pagsuporta sa tamabalan nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, na tumatakbong presidente at bise-presidente para sa Eleksyon 2022.

Tweet ni Angeli na may himig pagbabanta laban sa mga nagpo-post ng malilisyosong salita laban sa anak, “To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem, it took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back.

“So I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you,” ang may diing mensahe pa ng nanay ni Gab.

Sumagot naman ang director-musician sa pagtatanggol sa kanya ng ina, “Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate.

“In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do,” ang reaksiyon pa ni Gab.


Kasunod nito, nag-post din si Gary sa Twitter ng kanyang saloobin tungkol sa pambu-bully ng mga netizens kay Gab at kinampihan ang asawang si Angeli.

“I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed… rain or shine you also have inspired countless with your stand.

“Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much,” sabi pa ni Gary.

Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili

Gab kinarir ang pagpapaganda ng katawan: I hated what I saw in the mirror…so I chose to fight

Regine, Gary hindi maramot sa pagse-share ng tips sa mga kapwa singer: We don’t want that to die with us

Read more...