Nadine nag-mall show sa Pampanga, isang fan biglang umiyak sa stage, anyare?

Fan ni Nadine Lustre naiyak nang makita ang idol sa personal

Diego Loyzaga at Nadine Lustre

NOW it can be told na kahit wala sa tabi ni Nadine Lustre si James Reid bilang ex-boyfriend at ka-loveteam ay sikat na sikat pa rin talaga ang singer-actress.

Na-witness namin ang hiyawan at sigawan sa ginanap na mall tour nina Nadine at leading man niyang si Diego Loyzaga para sa promo ng pelikula nilang “Greed” sa SM City Pampanga nitong Linggo, Abril 10 kasabay din ng streaming nito sa Vivamax.

Alas-kuwatro ng hapon ang simula ng show nina Nadine at Diego, dumating kami sa venue ng pasado alas-dose ng tanghali at may mga tao na talagang naghihintay na sa venue.

May ilang supporters ang aktres na nanggaling pa pala sa ibang lugar para lang makita siya nang personal.


Sumakto naman na natawag ang nasabing fan ni Nadine para sa isang game. Nagtaka naman ang aktres kung bakit umiiyak ito nang lumapit sa kanya at saka sinabing nanggaling pa pala siya sa Zambales at nagtungo lamang siya sa Pampanga para makita siya nang personal at nagbakasakaling makapagpa-picture sa kanya.

Nakakatuwa dahil nakailang selfie sina Nadine at Angelica (pangalan ng fan niya) at siya pa ang nanalo ng gift pack at 1-month Vivamax access. Sabi nga niya worth it ang pagpunta niya sa SM Pampanga mula Zambales.

Hindi niluto ang pagkapanalo ni Angelica dahil lahat ng personal information about Nadine na tinanong ay alam niya at siya pa ang nanguna sa pagpunta sa letrang tama ang sagot.

Sa ikalawang pa-game ni Nadine ay nagulat kami dahil nagdambahan na ang mga tao na pati kami ay naipit dahil lahat sila ay gustong makalapit sa idolo nila, mabuti na lang at maagap ang mga guard ng mall.

Nakuha naman ang jackpot prize sa palarong “Greed or No Greed” na mala “Pera o Bayong” ang style kaya tuwang-tuwa rin ang fan ni Nadine dahil hindi nasayang ang pagpila at pagpunta niya sa venue.

Pero bago lumabas si Nadine ay nag-perform muna ang host na si Jean Kiley ng awitin niyang “Caramello” at “Butter” ng BTS.  Kumuha pa siya ng dalawang bagets nang makita niyang nakasuot ng BTS shirt ang mga ito.

Naloka si Jean Kiley dahil may mga boses pala ang mga ito with matching sayaw pa at ang ending siya na ang naging back-up dancer kaya tuwang-tuwa ang paboritong host ng Viva sa kanilang mga zoom mediacon.

Gusto namin ang naging attitude ni Jean Kiley dahil binigyan niya ng chance na ipakita ng dalawang bagets ang talent nila hindi katulad ng ibang host na binabawi ang microphone kasi ayaw nilang matabunan.

Nang isalang si Diego para sa awitin nitong “Akoy Sa ‘Yo at Ika’y Akin Lamang” ay talagang dinamba siya pagbaba ng entablado kaya kinailangan niyang bumalik sa harapan at nakiusap na bigyan siya ng daan para makamayan niya ang mga pumunta sa mall tour na nasa bandang dulo at makipag-selfie pero hindi pa rin nasunod dahil sobrang nasabik ang fans na makita muli ang mga hinahangaang artista.

Almost 7 p.m. na nang matapos ang show at nahirapang makababa ng stage si Nadine dahil nilusob na siya ng fans kaya pati mga guards ay nagulat at hanggang sa backstage ay inabangan siya at may lola pang kasama ang apo na naghihintay sa aktres pero sinabi naming nakaalis na dahil dumaan sa back door.

Ipinaabot naman nina Diego at Nadine ang labis na pasasalamat nila sa mga taga-Pampanga sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Sa totoo lang hindi na namin ramdam na may pandemya dahil bumalik na ang sigla ng mga tao nang makita nila ulit ang hinahangaan nilang mga celebrities.

Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?

Nadine feeling blessed sa pagdating ng baby no. 3; boy kaya o girl?

Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Read more...