Julie Anne feeling nakawala sa hawla, mas naging ‘liberated’ ngayong 2022

Julie Anne San Jose

NAGING mas “liberated” at nabawasan ang pagiging introvert ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nitong mga nakaraang buwan.

Ito’y may koneksyon daw sa  matagumpay niyang “Limitless: A Musical Trilogy” na nagsimula noong September, 2021 at natapos ngayong April, 2022.

Ayon sa Kapuso TV host-singer at aktres, napakalaki ng naging pagbabago sa kanyang personal na buhay matapos niyang gawin ang tatlong bahagi ng “Limitless” — mula “Breathe,” na sinundan ng “Heal” hanggang sa huling part nito na “Rise.”

Ayon sa dalaga, napakadali niyang tinanggap ang nasabing proyekto dahil feeling niya, ito ang kanyang kailangan para mas mapabuti at mapagaan ang kanyang nararamdaman dulot ng mga challenges na nararanasan niya.

“Before, introverted ako as a person. Hindi ako ganoon talaga ka-expressive when it comes to my feelings.

“That’s why I said yes to this project because I felt that I needed it. Through Limitless, I felt na mas naging bukas talaga ako. May mga bagay na unti-unting na-unfold,” pag-amin ni Julie Anne.

Aniya, tulad ng matagumpay niyang musical trilogy, dumaan din sa iba’t ibang stages ang kanyang emotional journey at nagpapasalamat siya dahil sa tindi ng epekto ng “Limitless” sa personal niyang buhay.


“Nu’ng umakyat ako ng bundok, I felt like I was ready to just take a leap. Nu’ng part two hinarap ko yung mga kinatatakutan ko. Itong third part, na-let go ko na yung mga baggage na kailangan i-let go.

“Meron ding sense of liberation when you start to let go of things that have been weighing you down, mas gagaan talaga yung pakiramdam mo. Mas magiging better ka talaga as a person, kaya mas naging free ako,” paliwanag pa ng Kapuso star.

Dagdag pa niyang kuwento, ang ikatlo at huling installment ng Limitless” na “Rise” ay naging daan din upang makakonek uli siya sa mga taong hindi niya nakita at nakasama nang matagal na panahon dulot ng COVID-19  pandemic.

“Yung mga friends namin na hindi namin nakita for how many years nandoon, yung mga supporters ko na they’ve been asking me kailan ako magkakaroon ng show.

“Nakakatuwa na nandoon lahat ng elements. Ang sarap ng feeling na nagsama-sama lahat sa part three,” sabi pa ng dalaga.

In fairness, ang “Rise” nga ang pinakabonggang bahagi ng musical trilogy docu-concert ni Julie na napanood nga via streaming nitong nagdaang April 9 at 10 kung saan ipinalabas din ang “Limitless Live” na ginanap sa SunLife Amphitheater in Bonifacio Global City kung saan nakasama niya muli ang kanyang rumored boyfriend na si Rayver Cruz.
https://bandera.inquirer.net/308803/wish-ng-fans-nina-julie-anne-at-rayver-sana-kayo-na-lang-sana-kayo-na-please

https://bandera.inquirer.net/290718/for-the-first-time-makikita-nyo-kung-sino-talaga-ako

https://bandera.inquirer.net/308654/rayver-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-what-you-see-is-what-you-get-kung-ano-yung-nakikita-nila-yun-naman-yun-eh

Read more...