NAGING isa sa top trending topic sa Twitter at talagang pinagpiyestahan ng mga netizens ang pag-akyat ng isang fan sa stage habang kumakanta si Nadine Lustre.
Nangyari ito nitong nagdaang Sabado sa Pampanga nang sumama ang aktres sa campaign rally ng presidential candidate na si Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Isa si Nadine sa mga celebrities na nag-perform sa nasabing political event na talaga namang pinalakpakan at tinilian ng mga taga-Pampanga.
Base sa video na napanood namin na kalat na kalat na ngayon sa social media, pagkatapos kantahin ni Nadine ang hit song niyang “Paraparaan,” isang male fan ang biglang umakyat sa stage.
Mabilis niyang nilapitan si Nadine at iniabot ang bote ng isang brand ng lechon sauce. Natawa na lamang ang dalaga nang makita ang bote at pinasalamatan ang lalaking nagbigay sa kanya nito.
Kasunod nga nito, mabilis na nag-trending ang pangalan ni Nadine pati na ang brand ng lechon sauce sa Twitter. Nag-viral din sa iba pang social media platforms ang nasabing video.
Sabi nga ng ilang netizens pagkatapos ng campaign rally ni VP Leni, hindi pa rin sila maka-move on sa naging reaksyon ni Nadine nang iabot sa kanya ng isang Kakampink ang bote ng lechon sauce.
Last year, nag-viral nga sa socmed ang litrato ni Nadine habang bumibili ng lechon sauce sa isang sari-sari store sa Siargao suot ang kanyang swimsuit.
As in bumaha ng mga memes gamit ang viral photo ni Nadine. At kasunod nga nito, nag-post ang aktres sa Twitter para sagutin ang tanong ng madlang pipol kung ano ang isasawsaw niya sa biniling sarsa, “Para di na kayo magisip… lechon manok yung ulam.”
Kamakailan, sa isang panayam, nagkuwento rin ang dalaga tungkol dito at nabanggit nga niya na aware siya na may kumukuha sa kanya ng litrato sa loob ng tindahan.
“Actually alam ko na kinukunan ako ng picture pero kasi ‘yung time na ‘yun, sobrang gutom na ‘ko, sobrang pagod, nag-surf kami. Tapos bumiyahe pa kami.
“So, alam mo ‘yung gutom na gutom ka, tapos gusto mong kumain, tapos ‘yung chicken na nabili mo walang sarsa. So sabi ko bili muna ako sa tindahan,” pahayag ng ex-dyowa ni James Reid.
Patuloy pa niyang chika, “Nakita ko na pinipiktyuran ako pero sabi ko na lang, bahala na, okay na ‘yan.”
“Personally I love memes, eh. Mas natuwa pa nga ako nang lumabas ‘yung photo na yon,” dagdag ni Nadine.
https://bandera.inquirer.net/297306/james-nadine-trending-sa-socmed-dahil-sa-lechon
https://bandera.inquirer.net/310150/nadine-sa-viral-lechon-sauce-photo-gutom-na-gutom-na-ko-nun-tapos-yung-chicken-na-nabili-walang-sarsa
https://bandera.inquirer.net/309691/andrea-brillantes-na-prank-kinilig-sa-donbelle-na-realize-ko-kung-anong-date-ngayon