Mula kay Zenny ng …1381, Novaliches, Quezon City. Compatible po ba kami ng mister ko na isinilang nuong February 25, 1978 at August 29, 1982 naman ako. Kasi po nitong mga nagdaang araw madalas po kaming mag-away dahil sa pambabae nya.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong August 29, 1982 at February 25, 1978 naman ang mister mo, compatible kayo, nangyari, dahil ang birth date mong 29 at 25 naman ang mister mo at ang zodiac sign mong Virgo at Pisces naman siya ay sadya ngang tugma at suwetong-suweto sa isat-isa. Kaya nga kahit madalas pa kayong mag-away, dahil sa pambabae ni mister, wala kang dapat na ikapangamba, sapagkat kahit kailan hinding-hindi kayo magkakahiwalay.
>>>
Mula kay Melannie ng …6281, ng Mactan, Cebu. February 14, 1976 at November 27, 1978 ang birthday naming mag-asawa. Wala pa kaming anak sa kasalukuyan, may pag-asa pa kaya kami magka-baby at kung mayroon kailan naman kaya ito matutupad?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 14, 1976 at November 27, 1978 sa susunod na taong 2014 hanggang 2015 magkaka-anak na kayo, at ang unang magiging bunga ng inyong pagmamahalan ay isang cute at matalinong lalaking sanggol.
>>>
Mula kay Elizabeth Dela Rosa ng San Pedro City, Laguna. October 6, 1982. Ask ko lang po kung ano po ba ang aking masuwerteng kulay at numero?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 6, 1982, mapalad ka sa kulay na red, violet, pink at lilac, higit lalo tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24, higit lalo sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, Mayo hanggang Hunyo at Setyembre hanggang Oktubre. Habang ang mapalad at suwerte mo namang numero ay lahat ng numero na may suma total na 3, 6, 9, tulad ng 12, 21, 30, 39, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45, at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang numerong 6, 18, 24, 33, 40 at 42. Gayon din ang 4, 18, 34, 39, 40 at 45.
I-text kay Madam Sophia
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...