G22 at VXON nagpakitang-gilas sa P-Pop Convention 2022; kering-keri rin maging artista, pero…

G22 at VXON

IN FAIRNESS, talaga namang pang-world class din ang talent, itsura at style ng pinakabagong P-Pop group sa bansa — ang mga artistahing girls ng G22, at ang mga boys ng Monster Rookies na VXON.

Humataw ang dalawang grupo sa kauna-unahan nilang face-to-face presscon nitong nagdaang Huwebes, April 7, na may titulong “FAMDOM: The VXON and G22 Media Conference” na ginanap sa B Hotel sa Quezon City.

Kinanta ng G22 ang kanilang pasabog ba first single titled “Bang” habang pinabilib naman ng nagguguwapuhang VXON sa kanilang second single na “P.S.” na exclusively released, distributed and produced by Cornerstone Entertainment.

Tuwang-tuwa ang dalawang grupo na kabilang sa mga bagong talents ng Cornerstone Entertainment nang makaharap ang mga members ng entertainment media.

Sabi ng leader ng VXON na si C13, “It sounds cliche but hinihintay din namin itong opportunity na ‘to na magkaroon kami ng mediacon as VXON and gusto pa namin na mas makilala kami ng mga tao, so we’re very thankful for the opportunity.”


Halata namang naging emosyonal si Sam, ang lead rapper at lead vocals ng grupo nang ipalabas sa presscon ang footage ng mga pinagdaanan nilang challenges bilang trainees.

“Na-realize namin na grabe yung growth namin. Sobrang progressive, hindi talaga siya huminto. Natututo kami nang natututo and happy ako na lahat kami ay may teachable spirit,” sey ng binata.

Samantala, freeling thankful and grateful din ang members ng G22 sa Cornerstone dahil finally, nagkaroon din sila ng sarili nilang presscon.

Sabi ni Jaz, ang main vocalist ng grupo at talagang artistahin at pang-beauty queen ang aura, “Thank you to everyone who came, and those online as well. Bullets – love you guys.”

Dagdag naman ng leader ng G22 na si AJ, “Nu’ng nasa backstage kami, pinipigil naming hindi umiyak. Parang nag-flash back yung iyak, yung hirap.

“But nag-flash back din yung memories na masaya. Dati nangangarap lang kami ‘kailan ba kami magde-debut?’ And now everything is…it’s just surreal,” dagdag pa niya.

Nitong nagdaang weekend, talagang all-out ang ipinakita at ipinaramdam na suporta ng mga
Bullets (official fandom ng G22) at Vixies (official fandom ng VXON) sa kanilang mga idol sa naganap na PPOP Convention sa New Frontier Theater, Quezon City at sa Araneta Coliseum.

Naging bahagi ng nasabing convention ang mga bagong pambato ng Cornerstone sa kantahan at sayawan kaya naman nagpiyesta nang bonggang-bongga ang kanilang supporters — live at online.

Samantala, nang tanungin namin sa kanilang presscon ang VXON at G22, kung game rin silang sumabak sa aktingan dahil nga sa kanilang artistahin looks, pwedeng-pwede naman daw pero sa ngayon ay ang kanilang singing career ang priority nila.

At kung darating daw ang time na mabigyan sila ng pagkakataon para umarte naman sa harap ng camera, willing din silang mag-try basta bahala na raw ang Cornerstone sa magiging projects nila this year at a susunod pang mga taon.

https://bandera.inquirer.net/310329/p-pop-group-g22-vxon-ayaw-munang-mag-love-life-gustong-mag-focus-sa-career
https://bandera.inquirer.net/306876/tv5-kumu-cornerstone-sanib-pwersa-para-sa-top-class-the-rise-to-p-pop-stardom

https://bandera.inquirer.net/308789/love-story-nina-kit-thompson-at-ana-jalandoni-nagsimula-sa-instagram

Read more...