KILIG na kilig ang viral online seller at dating celebrity housemate ng “Pinoy Big Brother: Kumunity” na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si “Madam Inutz” kay Piolo Pascual.
Bukod dito, puring-puri rin niya ang kabaitan at pagiging totoong tao ng Kapamilya actor at TV host nang makasama at makatrabaho na niya ito sa kauna-unahan niyang project sa ABS-CBN.
Maswerteng napili si Madam Inutz na maging isa sa cast members ng latest sitcom ng Kapamilya Network, ang “My Papa Pi” na pinagbibidahan nga ni Piolo at ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa episode ng “Magandang Buhay” last Thursday, nagkuwento ang komedyana tungkol kay Piolo at dito nga niya nabanggit ang mga naging karanasan niya sa mga unang araw ng taping nila sa “My Papa Pi.”
“Grabe ang guwapo at saka sobrang bait ni Papa Pi. Maalaga sa lahat ng cast. Ang bango!” ang kilig na kilig na pahayag ni Madam Inutz.
“At saka nakakatuwa siya kasi hindi mo mapi-feel na bago ka kasi kakaibiganin ka niya talaga.
“Kapag script reading, talagang aakbayan ka niya, tapos sasabihin niya, tropa tayo, huwag kang mahiya. Talagang nakatulong po ng malaki sa akin,” chika pa ni Madam Inutz na gumaganap bilang si Madam Bebe sa “My Papa Pi”, ang resident live seller sa Barangay Mapag-Asa.
Samantala, nagbahagi rin si Madam Inutz kung paano siya nagsasakripisyo at nagpapakasipag bilang breadwinner ng pamilya. Bukod sa tatlo niyang anak siya rin ang nag-aalaga sa kanyang mga magulang na pareho nang senior citizens.
“Siyempre po, sobrang hirap bilang single mom na ikaw na yung ina, ikaw pa yung ama. Tapos wala naman akong stable na hanapbuhay.
“Kumbaga sa posisyon ko, hindi ako puwedeng magkaroon ng dahilan para maging tamad. Kailangan kong gumawa ng paraan para buhayin po talaga sila,” aniya.
“Siyempre, dumating po talaga sa punto na para ka nang maloloka sa dami ng obligasyon mo. Especially nanay ko bedridden, nasa akin din siyempre, pareho nang senior citizen yung magulang ko.
“Kumbaga, parang kailangan kong gumawa ng paraan para buhayin sila,” kuwento ng komedyana na naging instant social media star nang mag-viral ang pagiging online seller niya.
Ito nga ang naging daan para mapili siya bilang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10”. At ngayon nga ay certified singer na siya, artista at content creator.
“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta!
“Puro pa-shoutout. Ako rin nagtataka sa sarili ko, ‘Pamura, Madam,’ di ba po? Walang mine. Puro pamura lang talaga.
“Sinasabi nila, ang dami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number.”
“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.
“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash. And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng P137,000 yung Gcash,” pagbabalik-tanaw pa ni Madam Inutz.
https://bandera.inquirer.net/307380/madam-inutz-binastos-minaliit-ng-ex-boyfriend-sabi-niya-sa-akin-useless-ka-wala-kang-silbi
https://bandera.inquirer.net/291104/madam-inutz-pangarap-makabili-ng-sariling-bahay-sumabak-sa-shopping-challenge-ni-sir-wil
https://bandera.inquirer.net/294805/madam-inutz-alyssa-valdez-pasok-na-sa-pbb-season-10-bilang-celebrity-housemates