McCoy sa 1st birthday ni Baby Felize: Lahat-lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak…

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Felize

ISANG taon na ngayong araw, Abril 10 ang panganay nina McCoy de Leon at Elisse Joson na si Baby Felize.

Eksaktong 12 midnight ay kinantahan ng McLisse ang bagets with matching chocolate cake na may nakalagay na, “Happy 1st Birthday Felize! Love Daddy and Mommy.

Ang sumunod na eksena ay nilagyan ng mag-live in partners ang cake ng kandilang “number 1” at binura na ang nakalagay na “lst.”

Ang caption ng daddy McCoy ni Felize sa ipinost nitong video at pictures nila sa Facebook at Instagram account ay, “Simpleng mensahe para sa aking anak.

“Alam ko mayron tayong selebrasyon at bakasyon sa malayong lugar para mapasaya ka namin anak.

“Pero gusto ko lang rin malaman mo na ngayon eksaktong oras ng kaarawan mo.

“Naghanda ako ng munting salo salo para mapasaya ka namin sa simpleng paraan, walang ayos, walang kahit ano…

“Basta ngayon anak kumpleto tayo kasama ka namin ng mommy mo, maniwala ka man sa hindi masayang masaya na ako, sobra na kung makita ka naming nakangiti (na dalawa pa ring maliliit na ipin),” mensahe ng aktor.

Sabi pa ni McCoy, “Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan.


“Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak. Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghabangbuhay… pangako yan.

“Sana pagtanda mo mabasa mo to at nakangiti ka. Ito ang patunay na sa unang taon mo dito sa mundo, lahat lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak.

“Mahal na mahal kita anak ko at ng mommy… sobra. Happy FIRST (hay ang bilis ng panahon) Birthday Felize!” ang pahayag pa ni McCoy.

Sobrang nagpapasalamat din sina McCoy at Elisse dahil sa rami ng blessings nila lalo’tipalalabas ang pelikula nilang “Habangbuhay” sa Vivamax plus sa April 20 at regular viewing sa April 22 produced ng Viva Films mula sa direksyon ni Real Florindo.

https://bandera.inquirer.net/296844/mccoy-may-sweet-message-sa-kanyang-mag-ina-gagawin-kong-perpekto-ang-pagmamahal-ko-para-sa-inyo

https://bandera.inquirer.net/299308/elisse-hindi-pinahirapan-ni-baby-felize-sa-pagbubuntis-walang-hilo-walang-suka
https://bandera.inquirer.net/302266/kilikili-kiss-ni-mccoy-kay-elisse-pampaswerte-sa-pagpasok-ng-2022

Read more...