Maja hindi lalayasan ang showbiz kahit magpakasal kay Rambo: Siguro hihinto lang ako kapag na-preggy tayo

Rambo Nunez at Maja Salvador

KAHIT magpakasal na sa kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez, wala raw sa plano ang TV host-actress at dancer na si Maja Salvador na layasan ang showbiz.

Sa katunayan, magkasosyo at magkatuwang na sila ni Rambo ngayon sa pagpapatakbo sa itinayo nilang talent agency, ang Crown Artist Management.

Si Rambo ang nagsisilbing chief executive officer ng CAM habang si Maja ang chief operating officer.

“Kahit naman ma-engage ako, magkaroon ako ng pamilya, hindi ako matatahimik. Na-love ko na masyado ang industry, lalo na ngayon na mayroon na kaming management.

“I think never na akong mawawala sa industriya. Parang forever na akong nandiyan.

“Siguro hihinto lang ako pag naging preggy tayo, baka du’n lang tayo kumalma. Baka nga hindi pa, makita ninyo nagho-host lang ako bilang workaholic tayo,” pahayag ni Maja mediacon ng “Her Majesty Reigns” nitong nagdaang April 4.

Dito, nag-renew ng kontrata ang actress-TV host sa Cignal Entertainment at TV5.


Ayon kay Maja, wala naman daw siyang ibinigay na timeline sa sarili tungkol sa pagpapakasal, “Let’s see. Hindi ko rin masagot because ayokong sabihin na ‘Hindi pa, after two years, after three years,’ tapos di mangyayari. Ayoko rin kasing mag-expect.”

Masayang ikinuwento ni Maja na marami pa siyang gagawing proyekto sa TV5 dahil sa success ng teleserye niyang “Niña Niño.” Una na nga riyan ang isang sitcom na ila-line produce ng kanilang CAM.

“Siyempre, happy, may mga projects tayo na gagawin under Cignal and TV5. Yung isa nga is sitcom tapos ang magla-line produce ay Crown Artist Management.

“Isang malaking hakbang yun for us. Isang malaking project sa amin. Yung susunod, after Niña Niño, sitcom then teleserye naman. Very exciting ang 2022 hanggang 2023.

“I think isa sa services yun ng Crown talaga, hindi lang yung pagma-manage. Puwedeng mag-produce kami ng films, ng mga events,” aniya pa.

Pero paano nga ba nagagampanan ni Maja ang lahat ng trabahong nakaatang sa balikat niya — bilang artista, host at COO ng kumpanya?

“Hindi ko rin alam. Pero kapag artista ako, artista ako, naka-focus ako du’n. And kunwari for reviews, contracts, and all, or may need akong i-approve, o kaya minsan kapag may kailangan na kailangan na talaga yung sagot, sila na talaga ang magde-decide and then ia-update na lang ako.

“Tapos kapag wala namang work, yun lang din nakababad kami sa mga Zoom meetings, sa cellphones. Kasi nga wala kaming ibang ginawa kundi mag-chikahan,” lahad pa ni Maja na napapanood din sa “Eat Bulaga” bilang co-host.

https://bandera.inquirer.net/298935/maja-sa-pagpapakasal-kay-rambo-napag-uusapan-pero-si-god-pa-rin-ang-bahala-sa-tamang-panahon

https://bandera.inquirer.net/283443/maja-tinanggihang-makatambal-si-gerald-sa-init-sa-magdamag-respeto-lang-daw-kay-rambo

https://bandera.inquirer.net/304720/michelle-madrigal-payag-pa-ring-magpakasal-kahit-nawasak-ang-unang-kasal-love-is-love

Read more...