“HINDI ko sila masisisi dahil yun naman ang totoo,” ang tugon ni Mariel Rodriguez patungkol sa mga namba-bash sa pagbigat ng kanyang timbang.
Aminado ang TV host-actress na nahe-hurt siya kapag sinasabihan siya ng “mataba”. May mga netizens pa nga na tumatawag sa kanya ng “butanding” at “baboy”.
“May pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero kaya lang, hindi ko naman sila masisisi dahil totoo,” ang pag-amin ni Mariel sa interview sa kanya ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz na mapapanood sa latest vlog nito.
Paliwanag ni Mariel, wala pa talaga siyang time para magpapayat dahil naka-focus pa rin ang atensiyon niya sa pag-aalaga sa kanyang pamilya at sa itinayo niyang mga negosyo.
“It’s just that wala pa ako dun sa phase na yun. Hindi ko pa talaga siya magawa. Siguro, yung drive nawala because before alam ko babalik ako sa showbiz, e, kaya kailangan magpapayat ako talaga agad kasi babalik ako, e,” paliwanag pa ng misis ni Robin Padilla.
Sa tanong kung ano ang pinakamasakit na salitang nabasa o narinig niya dahil sa “paglaki” niya, “Siguro yung pinakanakakainis ay yung, ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka.’
“Parang ganu’n, to that effect. But you know what, Robin has never complained. Though sometimes, sometimes, kumain kami sa labas, first time naming kumain sa labas.
“Ang dami kong in-order kasi first time in two years, first time niya akong pakainin sa restaurant. So, ang dami kong in-order, order ako ganyan, tapos may additional pa akong di niya kinain, nagpa-additional order pa ako. Tapos sabi ko, di talaga niya kinain.
“Tapos, kumakain kaming dalawa. After nu’n, sinabi na, ‘Babe, kahit na gusto pa kitang samahan, hindi ko na gusto yung mas malaki pa yung kargado mo kaysa sa akin.’
“Alam mo, nasa-shock na lang siya na I can eat so much, oo, na kaya ko. Kasi siya, si Robin, hindi naman siya talaga tumataba, nasa genes nila. Ako, uminom lang ako ng tubig, bukas balloon na naman ako,” kuwento ni Mariel.
Dagdag pang chika ni Mariel, “E, right now nasa bahay lang ako, e, akala nga ng mga anak ko kutson ako. Kapag nanonood ng TV, kailangan nakapatong sila sa akin.
“O, minsan, kumakain sila, nakapatong, lalo na yung bunso ko, akala niya kutson ako. Sarap na sarap sila sa body ko,” aniya pa patungkol sa mga anak nila ni Binoe na sina Isabella at Gabriela.
Ine-enjoy daw talaga ni Mariel ang mga ganitong moments with her kids, “Kasi kapag lumaki sila, di ba, mami-miss ko yun. Mandidiri na sila sa akin, ikakahiya na nila ako. Mae-embarrass sila. So, ini-enjoy ko talaga yung times na yun.”
Samantala, tungkol naman sa pagtakbo ni Binoe sa Senado, “I told him na, whatever it is that he wants, I will support.
“Sinabi ko on my vlog, nu’ng last na nakunan ako, yung last nakunan, tapos si Robin never made me feel bad na, ‘A, hindi ka buong babae kasi nga hindi ka magkakaroon ng anak,’ or whatever.
“He never made me feel bad. In fact, sobra niya akong sinuportahan.
“So I said, ‘Whatever this guy wants to do, whatever he decides on, whatever he does, I will support.’ And to this day, I’m keeping that promise,” sey ni Mariel na talagang pinasok na rin ang pagla-live selling para makatulong sa pangangampanya ni Robin na isa sa mga tumatakbong senador under UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.
https://bandera.inquirer.net/289526/robin-umamin-kay-mariel-kung-kailan-huling-natukso-sa-babae-nagseselos-sa-steak-ng-asawa
https://bandera.inquirer.net/291622/mariel-rodriguez-masaya-pa-rin-ba-bilang-asawa-ni-robin-padilla
https://bandera.inquirer.net/306325/mariel-padilla-nawindang-sa-school-project-ng-anak-nung-bata-ako-polvoron-ang-ginagawa