Kahit ‘magdyowa’ na raw…Herbert, Ruffa magkaiba ang bet na presidente

Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez

FEELING ng kani-kanilang mga tagasuporta, nagkausap na ang rumored couple na sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez tungkol sa magkaiba nilang political stand.

Alam naman ng lahat na ang kandidatura sa pagkapangulo ng dating senador na si Bongbong Marcos ang sinusuportahan ni Bistek sa darating na May 9 elections.

Pero mukhang magkaiba nga sila ng choice ni Ruffa pagdating sa usaping politics dahil lantaran na rin ang pagtulong ng dating beauty queen sa isa pang presidential candidate.

Si Herbert ay tumatakbong senador ngayon at kabilang nga sa senatorial lineup ng UniTeam ni Bongbong at ng running mate niyang si Davao City Mayor Sara Duterte.

Aktibong nangangampanya ngayon ang dating alkalde ng Quezon City kasama sina Bongbong at Sara. At in fairness, talagang ikinakampanya rin siya ni Ruffa sa pamamagitan ng social media.


Nag-viral pa nga ang Instagram post ni Ruffa kung saan proud niyang ibinahagi ang litrato nila together na may caption na, “#8 sa balota, #1 sa puso ko!”

Pero nito ngang nagdaang Lunes, ibinandera na ni Ruffa kung sino ang presidential candidate na kanyang sinusuportahan — at yan ay walang iba kundi si Sen. Manny Pacquiao.

Nag-post ang actress-TV host ng photo sa Instagram kung saan makikitang magkasama sila ni Pacquiao na kuha sa campaign rally ng boxing champ sa Iloilo City.

Nakasama rin nila roon ang misis ni Pacman na si Jinkee Pacquiao at ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.

Ginamit pa ni Ruffa sa kanyang post ang mga hashtag na #TeamPacquiao at #MPforPresident2022.

Dahil dito, marami ang pumuri sa relasyon nina Bistek at Ruffa dahil kahit nga raw magkaiba sila ng napupusuang presidential candidate ay nananatili pa rin ang maayos nilang samahan at hindi nagpapaapekto sa isyu ng politika.

Kamakailan, ipinagtanggol din ni Ruffa si Bistek matapos ilaglag ni Kris Aquino noong sumama sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa Tarlac.

Dito, talagang harapang sinabihan ni Kris ang supporters ni Leni na huwag iboto ang dati niyang boyfriend dahil hindi ito marunong tumupad sa pangako.

Kasunod nito, nag-post naman si Ruffa sa kanyang social media accounts ng kanyang photo na may caption na, “Be kind to your ex,” na pinaniniwalaang patungkol sa naging pahayag ni Kris laban kay Bistek na tinawag niyang “ex.”

Sa isa namang campaign rally ng UniTeam, sinagot din ni Bistek ang patutsada ni Kris. Aniya, “Actually natagpuan ko na ‘yung babaeng pakakasalan ko sa Tarlac, kaya lang tinatakan niya ako ng ‘ex’. Pero di ko alam kung ako ‘yun, baka ibang tao naman po ‘yun, di ba?”

“Pero seriously, ito na lang ang aking message sa kanya, malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa ‘yo.

“At ang aking pagmamahal sayo bilang kaibigan ay hindi na mawawala. So pagaling ka, kain ka marami,” mensahe pa ni Herbert.

https://bandera.inquirer.net/308187/ruffa-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-herbert-1-sa-puso-ko

https://bandera.inquirer.net/299348/magandang-influence-si-herbert-kay-ruffa

https://bandera.inquirer.net/299467/ruffa-sa-height-ni-herbert-half-of-filipino-men-are-shorter-than-me

Read more...