Selena Gomez 4 years nang dedma sa socmed: It has changed my life completely!

Selena Gomez

APAT na taon na palang hindi gumagamit ng social media ang international singer-actress na si Selena Gomez.

Nagdesisyon ang award-winning singer-entrepreneur na umiwas na muna sa socmed para na rin sa katahimikan ng buhay niya at sa proteksyon ng kanyang mental health.

Sa panayam ng “Good Morning America” kamakailan, napakalaki ng nagawang pagbabago sa kanyang buhay mula nang lumayo siya sa social media.

“I haven’t been on the internet in four and a half years. It has changed my life completely. I am happier, I am more present. I connect more with people. It makes me feel normal,” pahayag ni Selena.

Sa kasalukuyan ay meron nang mahigit 300 million followers sa Instagram ang dalaga. Ang kanyang team ang gumagawa ngayon ng content para sa kanyang IG account.

“Growing up in the spotlight has definitely taught me so much. I can’t believe that I’m where I am mentally just because how I took the necessary steps in order to kind of remove myself from that because it’s just not normal,” dagdag pahayag pa ni Selena na nagsimula sa showbiz bilang teen star ng Disney.

Bilang mental health advocate, inilunsad ni Selena ang isang platform na tinawag niyang Wondermind katuwang ang inang si Mandy Teefey at negosyanteng si Daniella Pierson.


Ayon sa singer, “Wondermind is a mental fitness company that aims to give you easy, doable ways to put your mental fitness first every single day.”

“If I’m known for anything, I hope it’s simply just for the way I care about people and those days when I don’t get out of my bed if I had something like Wondermind, even if it took me a minute to get into it, it’s just there and there is something that’s really comforting about that,” ang paglalarawan dito ni Selena.

Ngayong darating na July, magse-celebrate na ang dalaga ng kanyang 30th birthday at super excited na raw siyang sumabak sa bagong chapter ng buhay at career niya.

“I couldn’t be any more thrilled to step into this chapter alone, independently, strong, confidently, that’s all I really want, you know, I’m excited,” sabi ni Selena.

Sa isang hiwalay na panayam, mabanggit din ni Selena na, “The older I got, the more I evolved and realized that I needed to take control of what I was feeling. I wanted to be able to look in the mirror and feel confident to be who I am.

“Taking a break from social media was the best decision that I’ve ever made for my mental health,” aniya pa.

Matatandaang bumida uli ang dalaga sa mystery-comedy show na “Only Murders in the Building” na nag-premiere sa Hulu noong August, 2021. Inaasahan na ang pag-ere ng second season nito ngayong June.

Noong September, 2020 naman ni-launch din ni Selena ang sarili niyang makeup line, ang Rare Beauty.

https://bandera.inquirer.net/285394/acrobat-halikan-nina-derek-at-ellen-bentang-benta-sa-socmed-hati-ang-reaksyon-ng-netizens

https://bandera.inquirer.net/301610/beatrice-gomez-iniwasan-ang-mga-toxic-sa-socmed-habang-lumalaban-sa-2021-miss-universe

https://bandera.inquirer.net/284069/maxene-sa-paglaban-sa-mental-health-problem-its-ok-not-to-be-ok

Read more...