Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom

Sunshine Cruz

PINATULAN nang bonggang-bongga ni Sunshine Cruz ang ilang epal at laiterang bashers sa social media kabilang na ang nang-okray sa kanyang kapatid.

Palaban at matapang pero mahinahon pa ring binuweltahan ng aktres ang mga netizens na walang ginawa kundi hanapan siya ng mali at kapintasan.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Sunshine ang ilang kanegahang comment ng ilan niyang followers at isa na nga rito ang nang-okray sa edad niya.

Kahapon, April 5, ibinahagi ni Sunshine ang ilang screenshots ng mga hate message ng mga FB users at isa na nga riyan ang tumawag sa kanya ng “lola.”

Sabi nito, “Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.” Sinagot siya ng aktres na super proud siya sa edad niyang 44 at pinayuhan pa ang basher na kumain ng marami dahil nangangayayat na raw ito.


Resbak ni Sunshine, “Are you trying to insult me by calling me lola?

“Proud of my age! I am 44, healthy and happy.

“Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy,” ang may himig na pang-aasar pa ng celebrity mom.

Kasunod nito, isang basher naman ang nanlait sa kanyang kapatid na babae na si Maritess Cruz. Tinawag niya itong “tigulang” na salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay “matanda na.”

Sabi ng hater, “Tigulang na gyod” na kinontra nga ni Sunshine dahil para sa kanya, mukhang bata pa rin ang nakatatandang kapatid kahit 54 years old na ito.

Pahayag ng aktres, “My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.

“Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging ‘tigulang,'” pagtatanggol pa ni Sunshine sa kapatid.

Sa isa pang screenshot na ipinost ng aktres ay tinawag naman siyang “kwaknit” o paniki ng netizen, “Still stunning look the outside… ang loob kaya ng sa panty baka matandang kwaknit.”

Pero hindi na siya sinagot ni Sunshine, sa halip, nag-post uli siya sa IG para paalalahanan ang kanyang followers na hindi tamang mang-insulto o manlait ng kapwa gamit ang edad nito.

“Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.

“Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.

“I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.

“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone. Magandang Hapon po,” ang buong mensahe ni Sunshine.

https://bandera.inquirer.net/308438/sunshine-cruz-sa-netizen-na-pumansin-ng-kanyang-sexy-outfit-i-dont-think-may-chart-ang-attire-according-to-age

https://bandera.inquirer.net/283131/kris-muling-rumesbak-sa-nang-okray-kay-bimby-you-are-bullying-the-wrong-boy

https://bandera.inquirer.net/299021/epekto-kay-meryll-ng-bipolar-disorder-wala-akong-energy-sa-life-gustong-kumain-nang-kumain

Read more...