Marami ang nakikipagpustahan sa amin na sure na sure daw silang ang Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga nga ang bagong lalaki sa buhay nitong daldalerang si Kris Aquino. Pakiyeme pa raw na ayaw pangalan ni Kris si Daniel sa mga interviews about her new guy daw na nagpapangiti sa kaniya pag bagong gising siya dahil sa mga text nito.
Imposible raw ang kaechosang sinasabi ni Kris na there’s someone na medyo may edad nang biyudo na pumuporma sa kaniya.
“Sa kadyundiang iyan ni Kris, mapapangiti siya ng isang matanda, that’s close to impossible! Malabong ma-in love si Kris sa isang matanda kahit ubod ng yaman though posible ngang she will one day settle with an old rich bachelor para lalo siyang yumaman pero yung makakapagpangiti sa kaniya, natural, dapat guwapo at sexy na lalaki.
“Si Kris ang tipo ng babaeng hindi mabubuhay ng walang boyfriend and feeling naming lahat, si Daniel Matsunaga iyon. Napanood mo ba ang Kris TV nu’ng Tuesday? Pasimpleng kumekerengkeng ang lola ninyo kay Daniel kaya tumigil nga siya sa pa-float-float niya ng name ng lalaki. Matagal na sila, ‘no!” anang isang tumawag sa ating nakasubaybay kahit paano sa lovelife ni Kris.
Oo nga naman – may point ang kausap natin dahil based sa mga past relationship ni Kris, puro mga may hitsura ang nating dyowa niya o na-link sa kaniya from Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Anjo Yllana at iba pa.
“Ngayon pa ba siya magsi-settle with someone less? Hindi si Kris iyan kung pipili siya ng guranggis. Kailangang macho dahil parang hot momma nga ang dating ni Kris lalo na sa mga young men. Mahilig daw magregalo si Kris sa mga naging papa niya kaya feel na feel daw nila ito sa simula ng kanilang relasyon.
Iyon nga lang, nauuwi sila sa wala eventually dahil nakikilala nila ang tunay na ugali ni Kris, ang pagkamatapobre nga raw nito at sobrang daldal to the point that they lose their privacy.
“Ayaw kasi ng mga lalaki sa lahat ang babaeng masyadong maingay. Yung daldalera and all. And that’s how Kris is, di ba?
Tingnan natin kung makakatagal si Daniel!” pambubuska ng kausap natin.
Hay naku, ayokong mag-comment. Basta ang palagi ko na lang dasal ay dumating na ang 2016 at mabago na sana ang pamahalaan para hindi na makapagyabang ang lahat ng kaalyado ng mga taga-administrasyon. Ayaw na namin kasi sa mga Aquino and precisely – that includes Kris.