Maxine Medina engaged na sa dyowang diving instructor: ‘Finally my forever!’

Maxine Medina engaged na sa non-showbiz boyfriend

Maxine Medina at Timmy Llana

ENGAGED na ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana.

Ibinandera ng “First Lady” star sa publiko ang good news sa pamamagitan ng social media kung saan proud na proud niyang ipinagmalaki ang kanyang engagement ring.

“Finally my forever,” ang short but super sweet caption ng Miss Universe Philippines 2016 patungkol sa marriage proposal ng kanyang dyowa na isang diving instructor.

“This is the start of my ALWAYS. @timmyllana I LOVE YOU!” ang dagdag na mensahe pa ng dalaga sa kanyang fiance.

Base sa mga pictures na ibinahagi ng Kapuso star sa kanyang Instagram kagabi, April 4, naganap ang romantic proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

Kitang-kita sa isang litrato na talagang na-shock at halos maluha ang dalaga sa biglang pagpo-propose ng boyfriend.

Napatakip pa ang dalaga ng mukha habang nakaturo naman si Timmy sa ibinigay niyang engagement ring kung saan nagmumura ang nakalagay ditong malaking teardrop diamond stone.


Makikita rin sa mga IG photos ni Maxine ang kanilang mga kapamilya at ilang kaibigan na nakasaksi sa napakasayang gabi sa buhay ng aktres.

Magse-celebrate na ang engaged couple ng kanilang fourth anniversary sa darating na June 14, 2022.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati sa IG post ni Maxine kabilang na ang kanyang “First Lady” co-stars tulad nina Sanya Lopez, Cassy Legaspi, Kakai Bautista, Thou Reyes at Pancho Magno.

Nag-post din ng “congratulations” ang iba pa niyang celebrity friends at kapwa beauty queens tulad nina Winwyn Marquez,  Ruffa Gutierrez, Nicole Cordovez at Rachel Peters.

Bumati rin kay Maxine sina Marco Gumabao, Ritz Azul, RR Enriquez at marami pang iba.


https://bandera.inquirer.net/280083/maxine-medina-pinatatag-ng-pageants-para-sa-showbiz

https://bandera.inquirer.net/283645/maxine-dumepensa-kay-miss-canada-nanawagan-sa-madlang-pipol-stop-this-bullying
https://bandera.inquirer.net/287445/pagsali-ni-sanya-sa-beauty-pageant-suportado-nina-maxine-at-thia-may-binitiwan-pang-pangako

Read more...