Carmina sa mga super active sa socmed: That’s your life, that’s your account basta wala ka lang inaapakang tao

Carmina Viollarroel

WALANG reklamo o issue ang Kapuso TV host-actress na si Carmina Villarroel sa mga netizens o vloggers na nag-o-overshare ng kanilang buhay sa publiko.

Ayon sa misis ni Zoren Legaspi, kanya-kanyang diskarte at gimik ang mga tao ngayon kung paano nila nais gamitin ang mga socmed at online platforms.

Pero ang ipinagdiinan lang ng “Widow’s Web” actress dapat daw ay maging responsible ang mga ito sa kanilang inilalabas na content dahil napakalakas talaga ng influence ngayon ng mga vloggers.

“Ako naniniwala ako du’n sa oversharing, ako lang yun ha. That’s only for me. That’s why…hindi ako judgmental na tao.


“Kung anuman ang nakikita ko sa social media, Facebook, Twitter, Instagram o kung ano, if that is you page, if that is your account, I respect that,” pahayag ni Carmina sa isa rin sa mga host ng bagong podcast na “Wala Pa Kaming Title” (WPKT) kung saan kasama nga niya ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen, at si Candy Pangilinan.

Pahayag pa ni Mina, “Kung anuman ang sini-share mo, kumbaga, wala akong opinion doon. I don’t care. That’s your business. Ang pinakikialaman ko lang ’yung sa akin kasi naniniwala ako sa oversharing depende rin sa topic.”

Chika pa ng aktres, sa podcast nila ng kanyang mga BFF, ay mga personal experience nila ang kanilang ibabahagi na siguradong  kapupulutan din ng aral ng mga makikinig at manonood.

“So, kami nga, yung sharing namin ay sharing ng mga magkakaibigan na puwedeng marinig ng ka-table sa kabila because hindi naman ito yung super secret na, ‘Ah, kailangan ganito lang.’

“Yung sharing, meaning in terms of mga experiences namin in life. Baka kasi through our kuwentuhan yung listeners namin baka matuto sa aming experiences.

“Hindi kami nagpapaka-righteous. Hindi kami nagpapaka-know-it-all. Like I said, we are sharing our journey to our listeners,” diin ni Carmina.

Dagdag pa ng celebrity mom, “Ganu’n din naman sa aming respective accounts sa social media. Nag-a-agree din ako sa sinabi ni Gelli na whatever you post or whatever you share on social media, be responsible.

“Di ba, sinasabi nga nila, you think before you click kasi mamaya fake news naman pala yung sini-share ninyo,” aniya pa.

Ito naman ang paalala ni Carmina sa mga kapwa celebrity na maituturing na ring influencers sa socmed, “Tayo, doon sa maraming followers, maraming naglu-look up sa atin so let’s all be responsible.

“And let’s say, kung anumang topic ang gusto mong pag-usapan, sinasabi mo na what you see is what you get. I’m just being true, authentic. Nagpapakatotoo lang ako. Be ready sa magiging reaksyon ng mga tao.

“Now, if you don’t care then go ahead. That’s your life, that’s your page, that’s your account. Basta sa akin, wala ka lang inaapakang tao. Oo, that is your page, that is your account. Just make sure na wala kang inaapakang tao, wala kang inaagrabyadong tao then okey ka. Okey tayo,” lahad pa ni Carmina.

“Pero sa akin, just be responsible. Yon lang yon. Whatever you do, just be responsible.

“Harapin mo kung ano mang consequences ang dadating sa buhay mo with your posts, or with your accounts, or with your comments, or with your videos or with your opinions. Just always be ready to whatever kung ano man ang dumating,” ang magandang punto pa ng nanay nina Mavy at Cassy Legaspi.

https://bandera.inquirer.net/309244/carmina-naisipan-nang-mag-quit-sa-showbiz-at-manirahan-sa-us-bahala-na-si-batman-kung-ano-ang-gagawin-ko-doon

https://bandera.inquirer.net/291557/carmina-boto-ba-kina-darren-at-kyline-para-kina-cassy-at-mavy

https://bandera.inquirer.net/301394/zoren-ibinuking-si-carmina-nag-aaway-kami-sa-taping-para-akong-anak-niya-na-kailangang-intindihin

Read more...