Kris Bernal, Perry Choi 1 buwan magha-honeymoon; handa nang magka-baby ngayong 2022

Perry Choi at Kris Bernal

ISANG buwan ang inilaan ng mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi para sa kanilang honeymoon sa darating na June.

Kuwento ng Kapuso actress-entrepreneur, this year nila plano ng kanyang asawa at business partner na magkaroon ng baby.

“Gusto muna naming mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the wedding.

“Magbabakasyon kami for a month in June. After that, susubukan na namin magkaroon ng baby,” pahayag ni Kris sa panayam ng GMA.


Kaya naman tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ngayon ni Kris para pagsapit ng Hunyo ay makapag-concentrate na siya sa kanyang family life at sa kanilang “project baby no. 1.”

Hindi agad nakapag-honeymoon sina Kris at Perry matapos ikasal noong Sept. 25, 2021 sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Ilang beses ding na-delay ang kanilang wedding dahil sa COVID-19 pandemic.

Kuwento pa ni Kris, bukod sa mg proyekto niya sa GMA, hands-on din siya kasama si Perry sa pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.

“May restaurant kami, bago, na parang international buffet. Kabubukas lang. Nag-o-offer kami ng unlimited grill. Parang Asian grill siya, ganoon ‘yung concept,” chika ni Kris.

Pagdating naman sa kanyang acting career, super happy ang aktres dahil sa napakainit na pagtanggap ng viewers sa kanyang GMA Afternoon Prime series na “Artikulo 247.”

Talagang inaabangan ng manonood ang mga pasabog na eksena nila ni Rhian Ramos with Mark Herras and Benjamin Alves.

Samantala, puring-puri rin ni Kris ang Kapuso actress na si Jo Berry nang magkasama sila sa weekly anthology series na “Tadhana” hosted by Marian Rivera.

Mas lalo pa raw siyang humanga kay Jo na first time niyang makatrabaho dahil sa galing nitong umarte bukod pa sa napakabait at napaka-professional.

“Natuwa ako kasi very professional siya. Ang galing niya umarte. Ang galing niya umiyak. Kuhang kuha niya agad ‘yung emotions. Ang sarap makatrabaho ni Jo Berry,” pahayag ni Kris.
https://bandera.inquirer.net/301614/kris-bernal-nagpasalamat-sa-pagmamahal-ng-asawa-kahit-madalas-matigas-ang-ulo-ko-at-pasaway

https://bandera.inquirer.net/299187/payo-ni-kris-kay-aljur-ask-for-gods-guidance-kung-saan-ka-dapat-at-ano-ang-para-sa-iyo

https://bandera.inquirer.net/304096/kris-bernal-may-nadiskubre-kay-perry-choi-makalipas-ang-4-na-buwang-pagsasama

Read more...