Resbak ni Pia sa nagsabing tinitira nila si Catriona: Wala akong attack dogs…tanggalin mo na yang pait sa puso mo

Catriona Gray at Pia Wurtzbach

INALMAHAN ni Pia Wurtzbach ang pang-iintriga sa kanila ng kapwa Miss Universe titleholder na si Catriona Gray.

Binasag ng TV host-actress ang basher na tila gumagawa ng isyu sa pagitan nila ni Catriona.

Inaakusahan kasi nito si Pia (Miss Universe 2015) na siyang nasa likod umano ng pangnenega kay Catriona (Miss Universe 2018).

Last Friday, April 1, nag-post ang pageant fan page na The Philippine Pageantry sa Facebook ng screenshots ng pamba-bash ng basher kay Pia at ang naging resbak ng dalaga.

Sey ng netizen, “I think pia and her team are attacking @catriona_gray behind hmmm that makes me realize na sobrang galing ng performance ni @gutierrezary hmm i think she deserve the blue crown.”

Ang “@gutierrezary” na binanggit ng basher ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez na itinanghal na first runner-up sa Miss Universe 2015 na unang binanggit ng pageant host na si Steve Harvey bilang winner.

Hirit pa ng hater ni Pia, “Give back the crown to @gutierrezary. “@gutierrezary @catriona_gray 2 miss universe queens we failed to protect. Best MU tandem we never had.”

Ito naman ang bwelta ni Pia, “Hi E*****! May tanong ako, bakit pag ganito laging AKO unang nyong naiisip na pasimuno? Bakit ako?”

Patuloy pang pahayag ni Pia, “Nawala yung comment ni @K***E***** nakaready na sana yung mahaba kong reply sa kanya.”

Pero kahit burado na ang comment ng basher, ipinost pa rin ni Pia ang kanyang sagot, “Hi E***** Wala po akong ‘team.’ Glam team siguro meron. Personal na team ko that handles my schedules & anything business related, meron.

“Pero wala akong ‘team’ or attack dogs tulad ng ini-insinuate mo. At lalong wala akong intention ever na mang ‘attack’ ng ibang tao.

“Usually I just ignore messages like this kasi di naman totoo but years na ito paulit ulit nalang. And if other people are not gonna defend you or speak on your behalf, you have to speak up and defend yourself.

“I dont know why people really believe that I have a ‘team’ and that I actually aim to attack and tear other people down. Saan galing ito?” paliwanag pa niya.

“I always try my best to be good with everyone. I never want to have beef with anyone. That makes me so uncomfortable.

“Im just not that type of person and Im a big believer in karma. At kahit sa mga taong ayaw sakin, hindi ako gumaganti or nang ‘attack’ tulad ng sinasabi mo. Lagi lang akong tahimik,” dagdag pa niya.

Pag-amin pa niya, “@E***** I get messages like these all the time. And honestly nakakapagod na. Why cant we just celebrate ALL WOMEN? ALL Queens? Bakit kailangan may ‘team’ nila, ‘team’ ko?

“Tapos may mga imaginary scenarios pa in your head that were all at war? Is it really hard to believe that women in the same industry can get along & thrive?

“Ako I competed 7 years ago. Hindi na ko aces&queens, matagal na akong graduate sa pageants. I handle my own life & career now.

“I dip my feet in pageants once in a while cos I get invited and enjoy doing hosting gigs/ being invited to judge or giving pep talks. Sa pageants naman kasi ang roots ko e so I enjoy it… but that’s it!” lahad pa ni Pia.


Ipinagdiinan din niya na wala siyang isyu kay Catriona at sa iba pang Pinay beauty queen, “Walang away away dito or hidden agendas. Sa sarili ko sigurado ako na wala. Masaya lang ako at very grateful na nagagawa ko parin lahat ng ito years after.”

Hirit pa ng dalaga, “Tsaka OO na patolera ako at ang dami kong sinabi haha. Sobra na e. Tsaka paulit ulit nalang.”

“Ako, honestly I just wanna have fun, meet people I can collaborate with in business and advocacies, do the work that I need to do and live my life!

“And I’m really genuinely happy that were all thriving in our careers. Lahat ng PH queens may ganap. Like look around, ang saya diba? Lahat busy!” sey pa ng leading lady ni Piolo Pascual sa Kapamilya sitcom na “My Papa Pi.”

Ito naman ang message niya sa basher, “Sana maging masaya ka na rin at tanggalin mo na yang pait sa puso mo. The pageant world has become toxic enough, do you really want to add to that?

“You have the power to choose what kind of Queen you want to be, E*****,” sabi pa ni Pia.

https://bandera.inquirer.net/300828/catriona-gray-binalikan-ang-miss-universe-journey-please-just-never-ever-give-up
https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career

https://bandera.inquirer.net/300144/pia-nagkaroon-ng-mental-health-problem-nang-manalo-sa-miss-universe-the-worry-was-louder-than-the-cheers

Read more...