Jodi Sta. Maria papasa bilang universal leading lady; Xian super enjoy sa Dubai Expo 2020

Jodi Sta. Maria papasa bilang universal leading lady; Xian super enjoy sa Dubai Expo 2020

 

KAPAG ang artistang babae na laging leading lady ang karakter at nagkaka-edad na ay nagiging conscious na rin sa mga nakukuha niyang projects lalo na sa pagpili ng leading man.

Mukhang hindi naman apektado ang aktres na si Jodi Sta. Maria dahil kahit na sinong i-partner sa kanyang aktor ay bagay at nagkakaroon sila ng chemistry at nagiging successful.

Kaya puwede siyang tawaging universal leading lady dahil lahat ng itambal sa kanya ay pasok.

Tulad na lang sa hindi malilimutang TV series na “Be Careful with My Heart” nila ni Richard Yap. Halata namang may edad na ang businessman actor pero sinong maga-akala na magiging phenomenal ang tambalang Sir Chief at Maya?

Bumagay din si Jodi kay Robin Padilla sa “Sana Dalawa ang Puso” serye noong 2018.

Si Ian Veneracion na nakasama niya sa “Pangako Sa ‘Yo” ng 2015 at ang iWantTFC series na “My Single Lady” na ka-join din si Zanjoe Marudo.

 

 

Maganda ang chemistry nina Jodi at Zanjoe sa “My Single Lady” na tila nabitin ang lahat kaya siguro pinagsama sila sa “The Broken Marriage Vow” na bagay na bagay din.

At bagay din si Zanjoe kay Sue Ramirez bilang thirdwheel.

Pero ito ang nakagugulat, maganda ring tingnan sa harap ng camera sina Jodi at Jake Ejercito na kahit halatang mas bata lalo’t tisoy pa ay hindi nahuhuli ang aktres lalo na nu’ng nagpaganda siya para sa date nila.

Ang ganda ng eksenang nagkalapit ang mga mukha nina Jodi at Jake na may kilig din kaya dedma na kung 32 lang ang aktor at 39 naman ang aktres dahil nabigyan naman ng justice.

Anyway, si Jake ang masasandalan ni Jodi sa mga gigil at sama ng loob niya sa ex-husband niyang si Zanjoe at sab ago nitong kinakasama na si Sue.

Small world dahil si Jake pala ang teacher ni Zaijian Jaranilla sa Science at bagong coach niya sa basketball na isa ring MMA Fighter.

Papakalmahin ni Jake ang gigil ni Jodi sa pagpasok ng kanyang karakter sa The Broken Marriage Vow na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Kaya lang matindi ang kakaharapin ni Jake sa anak nina Jodi at Zanjoe na si Zaijian dahil ayaw nito na may ibang lalaki sa buhay ang nanay niya kahit hiwalay na ito sa tatay niya.

Bukod sa anak ay mukhang maghahabol pa rin si Zanjoe sa ex-wife niyang si Jodi kaya malamang gagawan niya ng hindi maganda si Jake.

* * *

Kasama si Xian Lim ng Kapuso artists na nag perform sa Dubai Expo 2020 at habang nasa airport siya pabalik na ng Pilipinas ay pinasilip niya by posting ng mga larawan at video na ginawa niya tulad ng pagsakay sa camel at tandem skydiving.

Nabasa nga namin sa comment ni Kim Chiu, “Grabe, ibang tao ka na pagbalik mo.”

Ang caption ng aktor sa mga larawan at video, “ Just wanted to share a quick snippet of what happened during our stay in Dubai. Thank you to all our Kababayan who attended the show. Ramdam po nang sobra ang inyong pagmamahal. I’d also like to thank all the staff, crew and everyone involved in making this event possible.

“Salamat po ng marami @gmapinoytv for the trust in having me in the roster along with the two talented gems @myjaps and @jessicavillarubin, ‘di naman nagkakalayo ang aming pag awit. Solid din maestro @florendojem at sa tuwing nag sasama tayo sa show, puros kulitan natututunan ko. Salamat sa pag suporta sa mga trip kong gawin sa stage.”

Related Chika:
Zanjoe apektado sa ‘bugbugan’ scene nila ni Jodi: Nanginginig ako, medyo traumatic yung nangyari

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Read more...