Kim namigay ng pera sa mga nagtitinda sa UP campus; ice cream vendor shookt sa P20K ayuda

Kim Chiu namigay ng pera sa mga vendor sa UP Diliman

Kim Chiu

NA-SHOCK ang isang nagtitinda ng sorbetes sa loob ng UP Diliman campus nang bigla siyang abutan ng pera ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu.

Hindi makapaniwala ang ice cream vendor sa P20,000 cash na ibinigay sa kanya ni Kim habang nag-uusap sila tungkol sa kanyang pagtitinda.

Naluluhang ibinahagi ng dalaga sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” ang naging experience niya sa pag-iikot niya sa UP campus para mag-abot ng ayuda at kaunting tulong sa street vendors doon.

Si Kim ang napiling host ng production ng Kapamilya noontime show para sa kanilang “random act of kindness” paandar para magbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda.

Ang pot money na nakuha nila mula sa “Palarong Pang-Madla” ang ginamit ni Kim para ipamahagi sa mga makikilala niyang street vendor.

Napili niyang puntahan ang Diliman campus ng University of the Philippines kung saan palagi siyang nagdya-jogging at ang ilan nga raw sa mga nagtitinda rito ay kilala na niya.

Sa ipinalabas na video sa “Showtime” makikita ang paglapit ng aktres sa tatlong sidewalk vendors at iniabot nga ang dala niyang kaunting tulong.

Umabot sa halagang P34,300 ang pinaghati-hati niya sa mga ito kaya naman halos maiyak din sa kaligayahan ang mga naabutan ng tulong.


Halatang nagulat naman at hindi makapaniwala ang nagtitinda ng sorbetes nang bigyan siya ni Kim ng P20,000, at dalawang beses pang nag-dialogue ng, “Seryoso, ma’am?”

“Malaking tulong ‘to sa pamilya ko, sa araw-araw naming gastusin,” ang sabi pa nito kay Kim. Aniya, umaabot lamang sa P300 ang kinikita niya sa pagtitinda kada araw.

Habang ikinukuwento naman ni Kim ang naging experience niya sa madlang pipol ay hindi niya mapigilan ang maluha.

“Madalang na ang benta dito. Dati, dito kami kumukuha ng pang-aral, pang-tustusin,” ang sabi raw sa kanya ng isang vendor.

“Kaya napili ko doon, kasi ang daming nagbebenta na walang benta sa isang araw,” dagdag pa niya.

Aniya pa, “It’s blessed by God’s grace, na makapagbigay tayo ng tulong.”

https://bandera.inquirer.net/279776/ivana-namigay-ng-pera-habang-nagpapanggap-na-pulubi-pinaiyak-ng-tindero-ng-putot-kutsinta

https://bandera.inquirer.net/303503/market-vendor-umalma-sa-no-vaccine-no-ride-policy-ng-gobyerno

https://bandera.inquirer.net/293267/cristy-may-buwelta-sa-mga-bashers-hindi-ko-kailangan-ng-pera-para-magparetoke

Read more...