Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

Angel Locsin personal na binisita si Kris Aquino

Angel Locsin at Kris Aquino

TALAGANG naglalaan ng panahon ang Kapamilya TV host-actress na si Angel Locsin para makumusta nang personal ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Pinusuan at ni-like ng mga loyal supporters ni Kris ang bagong litrato na ipinost ni Angel sa social media kagabi.

Binisita ni Angel ang award-winning TV host at aktres na kasalukuyan pa ring sumasailalim sa iba’t ibang medical treatment para sa kanyan autoimmune conditions.

Makikita sa Instagram photo ng tinaguriang real life Darna si Kris na nasa kanyang kama kasama ang mga nurse na nagbabantay at nag-aalaga at sa kanya.

Nakaupo naman si Angel malapit kay Kris at ang nakasulat sa caption ay, “Checking up on this one.”

Marami namang natuwa at na-touch sa ipinakitang gesture ni Angel para kay Tetay, pinatunayan lang daw nito na isa talaga siyang tunay na kaibigan.

Ang pagdalaw ng misis ng film producer na si Neil Arce kay Kris ay nangyari halos isang linggo makalipas ang pagsampa nila sa stage ng campaign rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa Tarlac.

Ang pagpunta ni Kris sa nasabing political event ang unang public appearance niya makalipas ang mahabang panahong hindi paglabas ng bahay dahil na rin sa kanyang mga karamdaman.

Sa nasabing campaign rally din kinumpirma ng mommy nina Joshua at Bimby na ilang beses na siyang sumailalim “series of tests and treatments” para sa iniindang autoimmune disease.


At kapag maayos daw ang lahat ng resulta ay saka siya lilipad patungo sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang mga medical procedure na dapat gawin sa kanya.

Kung hindi kami nagkakamali, 15 years na ring magkaibigan sina Angel at Kris. Sabi nga ng TV host, umaasa siya na may forever sa friendship nila ni Darna.

“Never did I expect na magiging friends for life na kami. Name it, napagdaanan na namin together pero ang maganda, hindi for public consumption,” ang bahagi ng Instagram post ni Kris patungkol sa pagkakaibigan nila ni Angel.

https://bandera.inquirer.net/304357/pauleen-nagpasalamat-kay-lord-dahil-ibinigay-sa-kanya-si-bossing-6-years-ago-i-married-the-man-i-love

https://bandera.inquirer.net/306337/hugot-ni-diego-always-love-yourself-first-now-i-know-what-i-want-to-do

https://bandera.inquirer.net/300369/marian-inakyat-si-beatrice-sa-stage-ng-miss-universe-2021-sigaw-sa-pinoy-fans-proud-tayo-di-ba

Read more...