Bea pangarap makagawa ng international movie; type makatrabaho si Bradley Cooper

Rhea Tan, Bea Alonzo at Bradley Cooper

Rhea Tan, Bea Alonzo at Bradley Cooper

KUNG may isang ultimate dream ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na talagang ipinagdarasal niya ngayon, yan ay ang magkaroon ng international project.

Marami ang nagsasabi na parang na-achieve na ni Bea ang lahat ng mga pangarap niya sa buhay — bukod sa bonggang showbiz career bilang aktres, vlogger at product endorser, sobrang happy din ng kanyang lovelife.

Ayon sa dalaga, sa ngayon, napakarami pa niyang goals in life at sa kanyang showbiz career, bukod nga sa pagkakaroon ng sariling pamilya in the future.

“I’m very goal-oriented, kapag meron akong gusto I make sure I plan ahead, I make sure I will achieve that goal.

“Until now, I find myself daydreaming of the things I want to do. I think it’s very important to have that in you. The drive and motivation, those should not stop. Boring ang buhay kapag wala kang nilu-look forward to,” pahayag ng aktres sa isang panayam.

Bibida si Bea sa una niyang teleserye sa GMA 7, ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na “Start-Up” kung saan makakatambal niya si Alden Richards. Anytime soon ay sasabak na sila sa lock-in taping kaya super excited na ang dalaga.

Inamin din niya na isa sa nilu-look forward niya ay ang magkaroon din ng international project, “Even being an actress, I still have a lot of things that I want to achieve.

“Maybe not only here, maybe global, the possibilities are endless. Hi, Bradley Cooper! Ha-hahaha!” ang chika pa ni Bea na ang tinutukoy ay ang Hollywood star na nagbida sa mga pelikulang “A Star Is Born”, “The Hangover”, “Nightmare Alley”, “Burnt” at marami pang iba.

Mariin pang sabi ng girlfriend ng actor-businessman na si Dominic Roque, “Mas motivated pa ako to do many, many things now. Imagine before I didn’t have the money and influence to do good, ngayon meron.

“Naiisip ko parang, I have so much more to offer, why stop now? My dreams don’t stop here, we’re only starting.


“Pagdating sa career, I feel like we live in a borderless world already. May Netflix, we can now work with people outside the country. Sana in the future I can go global as well,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Samantala, kamakailan lamang ay muling pumirma si Bea ng kontrata bilang brand ambassador ng Beautederm, ang patuloy na lumalaking beauty empire na pag-aari ng napakabait, napaka-generous at napakaseksing si Miss Rhea Tan.

Todo ang pasasalamat ni Bea kay Miss Rhea dahil ang Beautederm daw ang isa sa mga nagtiwala at naniwala sa kanya bilang endorser noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kaya hinding-hindi raw niya ito malilimutan.

Pahayag naman ng ambassador ng Reiko Slimaxine at Reiko Fitox tungkol sa kanyang pagiging fit, healthy and sexy, “When you are in your 30s, hindi na lang yung ganda sa labas ang iniisip mo. You also wanted to be healthy and fit, and that’s what you want to invest in the future.

“Ten years from now, I know, ayaw mong magkasakit. Ever since I was young, I also struggled with my weight. Maraming nagsasabi mataba ako. Now that I’m 34, mas nag focus na ako on health.

“Kung mapapansin ninyo yung ibang endorsements ko rin is about health and fitness. Even if I am not the sexiest of them all, I know that people are able to relate with some of my struggles,” paliwanag pa ni Bea.

https://bandera.inquirer.net/283597/bea-hindi-pa-rin-napapatawad-si-gerald-ayaw-nang-ma-pressure-kung-kailan-magpapakasal

https://bandera.inquirer.net/281935/pambabasag-ni-bea-laban-kay-gerald-babala-nga-ba-kay-julia

https://bandera.inquirer.net/280009/wish-ng-nanay-ni-vice-sana-magka-baby-ka-para-may-tagapagmana-ng-naipundar-mo

Read more...