KUNG halos lahat ng ABS-CBN stars ay sumusuporta sa kandidatura ni presidential candidate Leni Robredo, iba naman ang naging choice ng dating Kapamilya na si Billy Crawford.
Nasa TV5 na ngayon si Billy matapos magpalam sa dati niyang mother network at napapanood nga araw-araw sa noontime show na “Lunch Out Loud” (LOL).
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng mister ni Coleen Garcia kamakalawa ng gabi, March 28, kung bakit ang kandidatura ni presidential candidate Mayor Isko Moreno ang susuportahan niya.
“Alam niyo po, ilang buwan na lang eleksyon na. And I realized how crucial this election is dahil unti-unti na tayong bumabangon sa pandemic.
“At hindi magiging madali ang trabaho ng mga officials na iboboto natin. They’ll decide how we will rise above this challenge,” pahayag ng TV host-actor at singer.
Ipinagdiinan niya na gusto niya ng pagbabago kaya ang pipiliin niya ay ang kandidatong tumutupad sa pangako — sa salita kundi maski sa gawa.
“Marami ang nangangarap, marami ang nangangako. Kaya, I wanted to make my own stand in this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.
“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Kailangan natin ng lider na kayang humarap sa anumang pagsubok,” sabi pa ni Billy.
Patuloy pa niya, “Lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap. Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan.”
Nagkasama noon sina Billy at Isko sa iconic youth-oriented variety show ng GMA na “That’s Entertainment” ni German “Kuya Germs” Moreno.
https://bandera.inquirer.net/298532/billy-tinawag-ni-cristy-fermin-ng-bully-crawford-nanawagang-itigil-na-ang-lol
https://bandera.inquirer.net/291208/vice-naiyak-sa-its-showtime-may-hugot-sa-pagbabago