Mike Enriquez awang-awa sa mga mahihirap na nagda-dialysis dahil sa sakit sa bato: It breaks my heart

Mike Enriquez

Mike Enriquez

MATAPOS sumailalim sa kidney transplant, nangako ang Kapuso veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez na hahanap siya ng paraan para matulungan ang mga kababayan nating dumaranas ng kaparehong karamdaman.

Sa naging experience ng GMA news anchor sa pagkakaroon ng sakit sa bato, nasaksihan niya ang matinding hirap ng mga katulad niyang nay kidney problem lalo na yung mga wala talagang perang pangtustos sa kanilang pagpapagamot.

Nalulungkot at nababahala raw siya sa sitwasyon ng mga mahihirap nating kababayan na hinahayaan na lamang ang kanilang mga sakit dahil sobrang kapos sa buhay.

“Kapag pinagdaanan mo ‘yung pinagdaanan ko, mari-realize mo how good God was to me, and how I should pay it forward,” pahayag ni Mike sa “Kapuso Showbiz News.”

“Maraming Filipino na walang kalaban-laban simply because wala silang pera. It breaks my heart when people come to me asking for help.

“It breaks my heart to know about dialysis patients, ‘yung mga nangingitim. Kaya nangingitim ‘yun kasi underdialyzed. Kulang sa dialysis. Bakit sila underdialyzed? Kasi walang pera,” pahayag pa ni Mike.

Nabanggit din niya na bago siya operahan, tatlo hanggang apat na beses siyang nagpapa-dialysis sa loob ng isang linggo. At ngayong naoperahan na siya hindi na niya kailangang nagpa-dialysis.

Masayang ikinuwento ng news anchor at TV host na bukod sa kanya ay may mga kaibigan din siyang transplant patients na nagbabalak bumuo ng organisasyon para mabigyan ng tulong ang mga Pinoy na may sakit  sa bato.

“So, I will be meeting with our group and figure out ways and means of helping our brothers and sisters who need dialysis, who need kidney procedures but cannot have it because they cannot afford it,” lahad pa ni Mike.

Matatandaang, nagpaalam pansamantala ang news anchor last December sa mga programa niya sa GMA dahil para sumailalim sa kidney procedure.

At makalipas nga ang tatlong buwan, balik-trabaho na uli siya. Sey ni Mike, may isang bilin lamang sa kanya ang asawa, “Sabi niya simpleng-simple lang, short and sweet, sabi niya: Mike, easy-easy lang, ha.”

https://bandera.inquirer.net/309074/mike-enriquez-successful-ang-kidney-transplant-balik-trabaho-na

https://bandera.inquirer.net/294822/dimples-pumayat-kahit-hindi-2-buwan-hindi-nag-workout-may-promise-sa-mga-working-mommy

https://bandera.inquirer.net/282154/janine-umaming-nagpa-therapy-it-has-saved-me-xx-times

 

Read more...