Hirit ni Juday pagkatapos gumanap ng mayaman sa serye: Pwedeng next time gusgusin o taong-grasa na lang ako?

Meryll Soriano at Judy Ann Santos napa-throwback

Meryll Soriano at Judy Ann Santos

SANA mapanood ng mga nagsisimulang artista o maski na ‘yung mga nasa 20s or early 30s ang tsikahan ng mga premyadong aktres na sina Meryll Soriano at Judy Ann Santos.

Ilang dekada na kasi sa entertainment industry sina Juday at Meryll pero hanggang ngayon ay nanatili pa ring nakatapak sa lupa ang kanilang mga paa.

Hindi sila feeling entitled, pero ang industriyang ginagalawan nila na mismo ang magbibigay ng paggalang sa kanila dahil sa maganda nilang record sa loob ng mahabang panahon.

Dinalaw ni Meryll si Judy Ann sa Angry Adobo Restaurant, Westgate Filinvest Alabang para sa YouTube channel nitong “Dear Mama Meme” at nagbalik-yltanaw sila sa kanilang mga pinagdaanan noong bago pa lang sila sa showbiz.

“Ang aking guest ay dear to my heart kasi lumaki tayo together at hindi natapos ang friendship kahit hindi laging nagkikita kasi may mga pamilya na kami and isa kasi siyang premium-yadong aktres. Ha-hahaha!” bungad ni Meryll sa introduction niya kay Juday.

Dagdag pa, “Kailangan mong gamitin ‘yung premium-yado at napaka-inspiring na magulang at napaka-powerful na babae.”

“Nakakatanda‘yang premium-yado,” sambit ni Judy Ann.

“Kaya nga ginagawa sa akin ni Tito Mel (Martinez) ‘yan sabi ko, napakabeterano, lakas makatanda,” tumawang sagot ng aktres.

Napag-usapan nila ang mga bagong termino ngayon na ginagamit sa text messaging na kinailangan pa nilang tanungin kung ano ang ibig sabihin.

“Ako, I’m so proud na nag-start ako nang maaga, ikaw (Judy Ann) 8, ako 9 and ang dami nating natutunan.  Ano ba ‘yung mga negative at positive natin?” tanong ni Meryll kay Juday.


“Looking back, wala naman pala akong masyadong negative nu’ng kabataan. Meron man pero alam mong may natutunan ka along the way kasi ang simple lang ng buhay noon, eh,” sagot ng bunsong anak ni Mommy Carol Santos.

Buntong-hiningang sabi ni Meryll, “Hay, totoo ‘yan saka ibang-iba ‘yung pagtatrabaho natin noon.”

“Kaya siguro sobra tayong bonded kasi wala tayong mga cellphone, wala tayong sariling tent or dressing rooms,” sabi ni Juday.

Sang-ayon din dito si Meryll, “Ang standby area natin sa mismong location.”

“Sa set pa mismo. Pag sinabing ‘sa kitchen po ang set up ngayon’ alis tayo sa kitchen punta tayo sa sala.  Kasi ang mga rooms (kuwarto ng venue) dati para sa mga big stars,” dagdag ni Juday.

“Oo, may sariling tent, kayo (Judy Ann), may sarili kayong tent,” tumawang sabi ng Meryll.

Naalala pa ng wifey ni Ryan Agoncillo na noong ginagawa niya ang drama series na “Starla” ay extended ang tent niya.  Magkasama sila ni Meryll sa seryeng ito.

“Na-realize ko na doon lang ako nagkaroon ng role na mayaman ako sa simula palang, kailangang mag-ayos, nakasapatos, naka-outfit.  Parang gusto ko ‘yung outfit ni Meryll na naka-duster lang at nakatsinelas,” saad ng aktres.

Hirit naman ni Mama Meme, “Saka ‘yung ganu’n-ganu’n lang ang make up na hanggang buong araw.”

“Sabi ko nga ‘puwedeng next time gusgusin na lang, taong-grasa na lang ako? Ha-hahaha!” tumawang sabi ni Juday.

“Mahirap din naman ang mga make-up no’n (taong grasa).  Maganda kapag mga nanay-nanay.  Kaya tuwang-tuwa ako. Nagmayaman role ako, ayaw kong laging naka-heels!” say pa ni Meryll.

“Tapos naka-corset kasi kailangan may beywang? Kapag mayaman dapat may beywang? Tapos may mga aksesorya. Nakakapagod pero nakakaiba lang ng takbo ng karakter,” say ni Juday.

“Saka nakakaiba ng tono, you’re on your own,” sabi rin ni Meryll.

Dagdag din ni Juday, “Saka dati wala naman tayong mga stylist?  Kanya-kanyang bitbit ng gamit.”

“Oo, kami lang,” sabi rin ni Meryll.  “Ako nga hanggang ngayon wala pa rin akong PA saka driver kasi ayaw kong uminit ang ulo ko. Ha-hahaha!”

“Ang galing mo nga, eh,” sambit ni Budaday

Marami pa silang napag-usapan tungkol sa buhay showbiz at tungkol din sa pribadong buhay ng kanilang mga pamilya.

https://bandera.inquirer.net/284937/bwelta-ni-meryll-sa-bashers-nila-ni-joem-wala-akong-time-nag-aalaga-ako-ng-baby

https://bandera.inquirer.net/286355/maricel-pinatunayang-hindi-umaasa-si-meryll-sa-kayamanan-ni-willie

https://bandera.inquirer.net/305730/juday-ipinagdasal-ang-pagdating-ni-ryan-ito-pala-yung-feeling-na-niyayaya-kang-mag-date-dinadalaw-ka-sa-set

 

Read more...