Ogie pinatunayan sa epal na bashers na bongga pa rin ang career sa ABS-CBN: Pasensya na po, matagal ‘to!

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

SIGURADONG nasupalpal ng bonggang-bongga ang mga bashers at haters ng OPM icon at singer-songwriter na si Ogie Alcasid na nagsasabing wala na siyang career.

May mga netizens kasi ang nagsabi na tapos na ang maliligayang araw ng singer-comedian dahil sa pagiging asawa ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Minamaliit nila ang kakayahan ni Ogie bilang solo artist kaya ang tawag sa kanya ng mga negatron sa social media ay “asawa na lang ni Regine.” Meaning, kung hindi raw ang Songbird ang napangasawa niya siguradong laos na raw siya.

Pero mukhang napahiya nga ang bashers ng singer dahil ipinamukha sa kanila ng fans ni Ogie na seven times a week nang napapanood ang Kapamilya singer sa ABS-CBN.

Ayon kay Ogie, sa edad niyang 54, feeling bagets pa rin siya dahil sa dami ng trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng mga bossing ng network.

“I don’t feel old, to be honest. I feel young as ever,” chika ni Ogie nang mag-renew siya uli ng exclusive contract sa ABS-CBN six years after he first officially signed with the network.

Sa ngayon, napapanood ang TV host-actor sa noontime programna “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado at tuwing Linggo naman ay nasa “ASAP Natin ‘To” ang mister ni Regine.

“I am so honored that at this juncture of my career, I was given a chance again to do what I love to do, and that is to sing and perform every Sunday, to make people laugh every single day. That gives me so much joy,” sabi ni Ogie.

“Natutuwa ako na ang dami-daming Kapamilya pa rin at parami pa nang parami pa rin ang Kapamilya nanonood sa atin. Kaya ako, ngayong araw na ‘to, sobrang excited ako. Nag-uumapaw,” lahad ni Ogie.


Promise pa niya sa madlang pipol,  “Marami pa tayong aasahan sa gagawin ko. More music to come. More performances. More laughter. More joy.

“Dahil ‘yan ang kailangang kailangan natin ngayon, at nandito tayo para ibigay ‘yan. Simula pa lang ito,” paniniguro niya.

Ipinaalala rin ni Ogie sa publiko na sa ABS-CBN talaga siya nagsimula bago naging Kapuso, “This is where I started, so I am just coming back home.

“And I am happy and blessed that I am home, and I’m here to stay. Pasensya na po, matagal ‘to!” pahayag pa ng komedyante.

Sa huli, todo ang pasasalamat ni Ogie sa lahat ng mga Kapamilya all over the universe, at ipinagdiinan pa ang kanyang mensaheng, “Kung wala kayo, wala kami.”

https://bandera.inquirer.net/294731/wish-ni-ogie-tinupad-ng-showtime-madlang-pipol-nag-enjoy-laughtrip-kahit-wala-si-vice

https://bandera.inquirer.net/303409/ogie-alcasid-kailangan-na-nating-kumilos-napakarami-na-pong-problema-ng-pilipinas

https://bandera.inquirer.net/290385/ogie-umamin-kay-regine-nagselos-kina-piolo-at-robin-na-insecure-ang-lolo-mo-tsaka-ang-popogi-e

 

Read more...