Trabaho, kabuhayan sa mga barangay titiyakin ni Loren Legarda

Loren Legarda

Loren Legarda

HININGI ni senatorial aspirant Loren Legarda ang suporta ng mga lokal na lider ng Cavite sa kanyang mga programa na titiyak ng mga trabaho at kabuhayan sa mga barangay sa lalawigan.

Paliwanag nito, kahit bumuti na ang employment rate sa bansa, kailangan ay magkaroon pa rin ng mga alternatibong trabaho, bukod pa nalilikhang regular na trabaho.

Aniya, maraming nawalang trabaho dahil sa pandemya at mga kalamidad.

Sinabi nito na base sa huling datos, 2.93 milyong Filipino pa rin ang walang tabaho at masasabi na malaking bilang pa rin ito.

Para mapalakas pa ang pagpapatupad ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) Law, muling inilunsad ni Legarda ang LOREN sa Bawat Barangay Program, na lilikha ng mga karagdagang trabaho na magpapasigla sa ekonomiya ng bansa.

Binanggit din nito ang iniakda din niyang Barangay Livelihood and Skills Training Act.

“Kaya hinihikayat ko ang lokal na pamahalaan ng Cavite na makiisa sa aking pagsusulong na paigtingin ang mga programang pangkabuhayan sa bawat barangay. Kailangan nating mailapit ang mga programa ng pamahalaan sa ating mga mamamayan,” sabi pa nito.

Dagdag pa niya, sagana ang lupain at karagatan ng lalawigan para sa mga bagong trabaho, na makakatulong din sa pangangalaga ng kalusugan.

“For instance, renewable energy projects, developing agriculture, forestry, and horticulture, environmental information technology can generate jobs and provide livelihood opportunities to poor communities while making good use of recyclable waste materials, which would also help solve our waste management problem,” paliwanag ni Legarda.

https://bandera.inquirer.net/291061/ano-kaya-ang-trabaho-ni-vico-ngayon-kung-hindi-siya-nanalong-mayor-ng-pasig

https://bandera.inquirer.net/297120/klea-sa-tambalan-nila-ni-jak-hindi-naman-kami-pumunta-sa-lock-in-taping-para-maglandian

https://bandera.inquirer.net/290989/buong-lalawigan-nagdiwang-ng-magkaroon-ng-gf-ang-isang-klosetang-politician

 

Read more...